ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dolphy, Vic Sotto to promote movie together in Eat Bulaga!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nababalita pa lang na magsasama sa pelikula sina Dolphy at Vic Sotto, usap-usapan na kung paano ang promotion ng movie at kung magpo-promote ba si Vic sa ABS-CBN at si Dolphy sa GMA 7. Ini-expect din na pansamantalang kalilimutan ang network war at iwe-welcome sa shows ng Kapamilya network si Vic, na hindi man exclusive talent ng GMA 7 ay may dalawang shows na roon umeere, ang Eat Bulaga! at Ful Haus. Ang Eat Bulaga! ay blocktimer at produced ng TAPE, Inc. samantalang ang Ful Haus ay co-production ng kanyang M-Zet TV Productions at ng GMA 7. Si Mang Dolphy ang may exclusive contract sa ABS-CBN at inaabangan ang paglabas niya sa shows ng Kapuso network para i-promote ang movie nila ni Vic na matagal hinintay ng fans. Tapos na ang Dobol Trobol Get Redi 2 Rambol at showing na nga sa August 13. Pero madi-disappoint ang mga nag-aabang na makitang magkasama sina Dolphy at Vic na live na nagpo-promote ng kanilang pelikula dahil sa Eat Bulaga! this Saturday, August 9, lang sila puwedeng magsamang mag-promote. Ito ay dahil hindi station-produced ang naturang noontime show. Ang mga susunod nilang TV promo, kanya-kanya na sila ng promote. Kung magkakasama man sila, live ang isa at VTR ang isa. Gaya na lang sa Saturday, August 9, nasa StarTalk si Vic at nasa Entertainment Live naman si Mang Dolphy, pero parehong VTR. Sa Sunday, August 10, live ang guesting ni Vic sa Showbiz Central at may VTR si Mang Dolphy. Sa The Buzz, live guesting si Mang Dolphy at VTR naman si Vic. Nabalitaan pa ng PEP na dapat ay guests din ang dalawa sa SOP at sila ang kakantahan nina Ogie Alcasid at Janno Gibbs sa "OJ" segment ng show, pero baka hindi matuloy dahil nasa ASAP '08 si Zsa Zsa Padilla, na partner ni Mang Dolphy. Pero nakakatuwa ang presence nina Linggit Tan at Leng Raymundo ng ABS-CBN sa presscon ng Dobol Trobol kahit na mas maraming Kapuso stars sa cast, gaya nina Carmi Martin at Kevin Santos na nasa Ako Si Kim Samson; si Ricky Davao na nasa Dyesebel; BJ Forbes at Sugar Mercado na napapanood sa Ful Haus; at sina Jose Manalo, Diana Meneses, EB Babes, at Wally Bayola ng Eat Bulaga. Bukod kay Dolphy, si Riza Santos lang ang taga-ABS-CBN sa cast dahil si Zsa Zsa Padilla ay very small ang partisipasyon sa movie. Cameo role lang sila ng girlfriend ni Vic na si Pia Guanio, na Kapuso talent din. - Philippine Entertainment Portal

Tags: dolphy, vicsotto