ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Viva Hot Babe Sheree back to her sexy form


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Three months after giving birth, mas lalong naging sexy ngayon ang dating Viva Hot Babe na si Sheree. Nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, August 15, sa Celebrity Night ng National Press Club sa Intramuros, Manila, at masayang ibinalita ng morenang sexy star na back to normal na ulit siya. SHE'S BACK. Maraming nakaline-up na trabaho si Sheree, kabilang dito ang isang indie film, ang paglabas niya sa FHM this September, ang pagkakaroon ng bagong album at ang pagiging bahagi ng cast ng Codename: Asero na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. "Yung indie film, ang title ‘Puntod.’ Pero hindi ko pa actually alam kung sino ang kasama ko rito. Ang alam ko lang, bata siya. So, tomorrow ko pa malalaman iyon, ang director namin ay yung direktor ng Banal, si Direk Cesar Apolinario. "Tapos kasali rin ako sa Asero. Ako si Malta rito, isa ako sa agent na, kung iyong iba ay ‘HD' [hidden desire] nila si Richard, ako ipinapakita ko talaga na gusto ko siya na garapalan talaga. Magkakampi kami ni Richard ngayong robot na siya, pero hindi ko alam kung sa bandang huli ay ganoon pa rin. "Then, may gagawin din akong album, pero under negotiations pa, pero baka sa Sony-BMG. At saka lalabas ako next month sa FHM, so three months after kong manganak, balik na ulit ako," nakangiting panimula ni Sheree. "Nagpapasalamat din ako sa GMA-7, very thankful ako sa Kapuso Network dahil sila ‘yung nagbigay sa akin ng chance para makabalik agad ako. Kaya tinatanaw ko talagang malaking utang na loob iyon," dagdag pa niya. Inusisa ng PEP kung paano niya nagawang maging sexy ulit sa loob lang ng maigsing panahon matapos niyang isilang ang love child nila ni Gian Magdangal na si Gian Haley. "Hindi ko alam e, ano ba ang ginawa ko? Kain lang naman ako nang kain e, siguro lang ay nasa metabolism ko rin e, mabilis lang siguro yung metabolism ko. "Actually, kailangan lang ng galaw ng galaw, e, at saka nasa Shall We Dance [program ni Lucy Torres sa TV5] kasi ako, kaya medyo nae-exercise rin kahit paano. Ang partner ko roon ay si Kiko ng Maneuvers." - Philippine Entertainment Portal

Tags: sheree