Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pauleen Luna dismisses rumors linking her to Gerald Anderson


Ilang buwan matapos ang breakup nila ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, nanatiling single pa rin ang status ng young actress na si Pauleen Luna. Kaugnay nito, pinabulaanan niya sa live interview ng Startalk sa kanya noong Sabado, Oktubre 11, na pinadadalhan siya ng text message ng isang pulitiko para imbitahan sa isang date. "Ay, hindi po totoo na tine-text ako," ani Pauleen. "Siguro po pinasabi niya through another person, but tine-text, hindi naman po." Ayon kay Pauleen, nalaman lang niya ang intensiyong ito ng pulitiko, na hindi pa niya nakikita nang personal, sa pamamagitan ng isang kabigan. "Sinabi lang po sa akin ng isa kong friend na he wants to have dinner with me and he wants to meet me, yun lang po," paliwanag ng dalaga. Gayundin, hindi rin daw totoo na ipinasa niya ang mga text message sa kanyang dating kasintahan na si Mayor Gatchalian. Kuwento ng Eat Bulaga co-host, "Kasi I have a friend, si Berna Romulo-Puyat, she texted me that it's all over the Internet na may nag-forward sa e-mail niya. Siya po ang nag-forward kay Sherwin about that. So, doon ko po nalaman na it's all over the Internet." Sa puntong ito ng panayam, biglang sumingit ang host ng Startalk at talent manager ni Pauleen na si Lolit Solis. Binisto niya na hindi lamang isang pulitiko ang nagpaparamdam sa kanyang alaga. Ayon kay Lolit, "Alam mo, tatlo 'yan—may isang mayor sa Bicol, 'yong isa medyo mataas, nakakatakot, e. Takot ako, o kasi baka mamaya ipadampot ako. Masyadong mataas kaysa doon sa isang pulitikong pangit." MOVING ON. Para kay Pauleen, naka-move on na siya mula sa breakup niya kay Mayor Gatchalian. Bagamat tapos na ang kanyang relasyon, inamin naman ni Pualeen na paminsan-minsan ay nakapag-uusap pa rin sila ng dating boyfriend. "We still talk. Once in a while nagkukumustahan," pahayag ni Pauleen. "I haven't seen him since the time we broke up four or five months ago. Through ano lang, he's calling me sometimes or nagte-text, nangangamusta lang." Para kay Pauleen, mainam na rin ang nangyari dahil madalas na rin ang hindi nila pagkakasundo. Paliwanag niya, "It so happened lang po siguro na, number one, we don't have time for each other. That is one of the big reasons. Number two, nagkakaroon po kasi kami ng differences. Hindi kami nagkakasundo sa mga... I mean, little things, big things, medyo hindi kami nagkakasundo. So, we decided, well, I decided to end it na lang kasi it's not working anymore. You know, there's a reason why people break up kasi it doesn't work anymore." Palagay ni Pauleen ay naka-recover na rin siya sa paghihiwalay nila ni Mayor Gatchalian sa tulong na rin ng mga taong malapit sa kanya. Aniya, "Well, my family made it easier for me to move on. Sa Eat Bulaga! po, araw-araw pumupunta ako doon, ang saya-saya ng company. So, I'm very thankful to my family, to my friends, sa Eat Bulaga! po, for making it a lot easier for me to move on." ON GERALD ANDERSON. Isa sa mga bali-balita ngayon ay ang diumano'y pagkakamabutihan nila ng Kapamilya young actor na si Gerald Anderson. Upang kumpirmahin ito, sinabi ni Butch kay Pauleen, "May nakakitang sinusundo ka raw ni Gerald Anderson sakay ng kanyang Chrysler." "Hindi po," agad na depensa ni Pauleen. "Kasi po, ito po, magkaibigan kami ni Gerald, but that's it." Hindi rin dapat magkaroon ng isyu sa pagitan nila dahil, ayon kay Pauleen, "Kasi nga po wala naman po dapat... We're both put into a situation na hindi naman po totoo. There was a time na dumaan po yata si Gerald sa Eat Bulaga!, nagdala po ng pagkain. But that's it. They're just making a big fuss out of it because nga siguro, nagdala siya ng food or kasi si Gerald 'tapos ako. But then, that's it." Hindi rin daw totoo na nililigawan siya ng dating Pinoy Big Brother teen housemate. "I think it's just a friendly gesture," ani Pauleen. "But alam n'yo po, ang tagal na naming hindi nag-uusap, siguro three weeks. Kasi wala naman po talaga. There's nothing really going on, we're just friends." - Philippine Entertainment Portal