Iza Calzado paired with La Salle player Simon Atkins in ‘Sundo’
Sabay na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina iza Calzado at ang point guard ng La Salle Green Archers na si Simon Atkins, na pinasok na rin ang showbiz. Parehong may cameo roles bilang magkasintahan sina Iza at Simon sa horror film na Sundo ng GMA Films. Kinilig si Iza nang nalamang niyang crush siya ni Simon at isa siya sa mga rason kung bakit papasukin ng varsity player ang showbiz. Nagulat din ang aktres nang ipaalala sa kanya ni Simon kung saan sila unang nagkita at yun ay sa birthday party ng anak ng Bagets star na si Cheska Iñigo at nasundan pa ito sa debut ni Rhian Ramos. Ano ang masasabi ni Iza na crush siya ni Simon at willing itong mag-file ng application at maging boyfriend No. 4 niya? "Nakakatuwa namang mayroong nagkakagusto sa akin na mas bata sa akin," wika ni Iza. Natuwa rin ang aktres nang sabihin ni Simon na she doesn't look her age at bagay pa rin sila sa edad ng basketbolista na 20 years old. Sa tingin namin ay nag-blush si Simon nang tawagin siyang "Pangga" ni Iza na obvious namang binibiro lang ang binata. Aside from Iza, sino pang mga artista ang natitipuhan ni Simon? "I saw Heart Evangelista sa SOP, she's beautiful. Pero si Iza talaga ang crush ko," sagot ni Simon. Hindi naman nag-react si Simon nang aminin ni Iza na si Piolo Pascual ang crush niya. Sumaya pa ang interview sa dalawa nang malaman ni Iza na Hanford endorser si Simon dahil alam nito ang iba pang endorsers ng men's underwear mula kina Dingdong Dantes, Alfred Vargas, Geoff Eigenmann, at ngayon ay ang magkapatid na Phil at James Younghusband. Nakitawa na rin si Simon na pati endorsers ng ibang brand ng underwear ay alam ni Iza at siyempre, si Dingdong na bagong endorser ng Bench Body. Hindi tinanggap ng PEP at ng ibang press ang alibi ni Iza na nalalaman lang niya ang underwear endorsers dahil napapanood niya sa TV, nakikita sa print at sa billboards. Tinawag tuloy siyang "Iza bakla!" na masaya namang tinanggap ng aktres. Pagkatapos ng interview, sabay nang umalis sina Iza at Simon para sa pictorial nila para sa publicity ng Sundo. Ang kuwento ni Noel Ferrer, executive ng GMA Films at manager ni Simon, masaya ang dalawa at parang matagal nang magkaibigan. Inalalayan pa raw ni Iza si Simon dahil baguhan pa lang at medyo nahihiya pa. Maiksi lang ang partisipasyon nina Iza at Simon sa GMA Films movie, pero agad nilang tinanggap dahil ang eksena nila ang magsi-set ng premise ng story. Ikinumpara ni GMA Films president Annette Gozon-Abrogar ang role ni Iza sa role ni Drew Barrymore sa Scream. Inusisa ng PEP ang magiging billing nina Iza at Simon sa Sundo, pero wala pang maibigay na sagot si Noel. Samantalang ang billing ng One True Love, ang pelikulang kasama ni Iza sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, ay pinag-uusapan pa raw dahil co-produced ito ng Regal Entertainment. "Equally important ang role nilang tatlo sa movie, magkaka-level sila. Hindi lang ang love team nina Marian at Dingdong ang makikita sa story, pati na ang tandem nina Iza at Dingdong," paliwanag ni Ms. Annette. Nilinaw naman ni Iza na hindi siya nakikipagkumpitensiya kay Marian at ang sarili lang niya ang kanyang kakumpitensiya. Hindi rin daw siya nakipag-unahan kay Dingdong. Pero ano ang magagawa ni Marian na hindi magagawa ni Iza? "Mag-two-piece, hindi ko pa talaga kaya," sagot ni Iza. "Maybe in two or three years pa, hindi ko alam. Kaya nga natatawa ako âpag sinasabing gagawin ko ang Darna dahil hindi ko kayang mag-two-piece!" - Philippine Entertainment Portal