ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sexbomb dancer hurt, traumatized in Pasig holdup
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines - Na-trauma at nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan si Sex Bomb dancer na si Cynthia Yapchingco matapos itong maging biktima ng hold-up sa Ortigas, Pasig noong Linggo ng gabi. Sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, ipinakita ni Cynthia ang kanyang mga sugat at pasa sa braso, kamay at paa na tinamo nya matapos manlaban sa dalawang hindi kilalang lalaki na balak umanong tangayin ang magandang dalaga. Kwento ni Cynthia, nag-aabang siya ng taksi dakong 11 p.m. sa bahagi ng Sapphire Road, Ortigas Center nang lapitan siya ng dalawang lalaki na armado ng patalim. Noong una ay cellphone lang umano ang pakay ng mga suspek pero pagkaraan ay hinatak na rin siya patungo sa isang nakaabang na tricycle. Dito na umano nanlaban ng todo si Cynthia. âYung isa hawak ang paa ko, yung isa hawak ang kamay ko. Lumalaban talaga ako, hindi ko binibigay yung phone ko," pagbabalik-tanaw ni Cynthia sa insidente. âTapos hinihinala nila ako papunta sa may tricycle. Kasi may nakaabang⦠Kulay itim (na tricycle), walang plate number, wala ring bubong," idinagdag pa niya. Sinamahan ng GMA News si Cynthia sa himpilan ng pulisya sa Eastern Police District upang ipa-blotter ang nangyari. Ayon kay SPO1 Ronald Rioja, team leader ng follow-up unit, maglulunsad sila ng operation kaugnay sa nangyari kay Cynthia. Inamin din ng opisyal na hindi ito ang unang insidente sa lugar. âAng advise ko sa mga gabi na kung umuwi, mag-ingat sa madidilim na lugar. At marami na ring nabibiktima rito tungkol sa mga ganyang insidente na kung hindi man naka-riding in tandem, yun mga bumibiktima sa gabi," pahayag ni Rioja. Sa kabila ng nangyari sa kanya, nagpapasalamat pa rin si Cynthia at nakauwi siyang ligtas bagaman mayroon siyang matinding trauma ngayon. âSobrang na-trauma na ako. Parang ayoko ng lumabas mag-isa, ayoko ngâ¦takot ako sa dilimâ¦sa gabi hindi ako makatulog," pag-amin nya. At ang payo ni Cynthia sa mga kababaihan. âIngat na lang talaga lalo na sa mga babae ingat kayo. Saka âwag na âwag kayong mag-iisa sa dilim o mag-cellphone kahit saan kasi sobrang nakakatakot." - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: sexbomb, cynthiayapchingco
More Videos
Most Popular