ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Richard Gomez once cried over Nadia Montenegro


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala si John "Sweet" Lapus sa Showbiz Central noong Linggo, November 30. Kaya sa segment niyang "Love Me or Hate Me, But Don't Lie To Me," kung saan ang Family Feud host na si Richard Gomez ang nakatali sa lie detector machine, si Anjo Yllana muna ang pumapel bilang interrogator. Matalik na kaibigan ni Goma si Anjo. For the first question, biniro muna ni Anjo si Goma at nagtanong kung mahal pa raw ba ni Goma si Sharon Cuneta. Maging regular SC hosts na sina Pia Guanio at Rufa Mae Quinto ay na-tense sa tanong na iyon ni Anjo na agad namang binawi rin niya sabay sabi na joke lang daw ang tanong niyang iyon. Ang tunay na tanong ni Anjo ay kung kinakabahan daw ba si Goma na baka magselos ang asawa nitong si Lucy sa muling pagtatambal nina Richard at Sharon. Nakatakdang i-shoot ang movie nina Goma at Mega sa Mexico. Siyempre, "No" ang sagot ni Richard at parehong truth naman ang ibinigay na sagot nina P-Chi at Pia. Pero ayon sa lie detector machine, isang "lie" ang sagot ni Richard. Kaya ang kasunod ay ang pagsayaw ni Anjo ang pamatay na dance number ni Sweet. "Hindi. Siguro masyado lang akong malikot. Sabi ni Inspector, huwag daw akong masyadong malikot, e," depensa agad ni Richard sa kinalabasan ng pagsagot niya. Tanong naman ni Anjo, "When was the last time na nag-communicate kayo ni Sharon?" "Once in a while, we communicate, through texts, calls. Pero si Lucy, hindi nagseselos yun." Sa second question, noong time daw na nag-propose siya kay Lucy, sa sobrang takot niya sa magulang ni Lucy, totoo nga ba na hindi niya hinarap ang mga ito at umalis na lang siya agad? "No" pa rin ang sagot ni Richard, pero again, "lie" ang lumabas na result kahit na sinang-ayunan nina P-chi at Pia ang sagot ni Goma. "Ang tingin ko, baligtad lang ang niri-read nila rito," sey ni Goma about the machine. "Hindi naman ako natatakot. Kaya lang, kinabahan talaga ko nun. Kasama kita nun, nawawala ka or something nun, e. "Siyempre, nag-propose ako sa kanya, kinakabahan ako. Nag-propose ako sa kanya, December 11. But I made sure, after kong mag-propose, eksakto ang ticket namin sa flight namin. Alas-kuwatro ng umaga kaya hindi ko na nakausap ang parents niya." On Anjo's third question, "Wala kang inuurungan, wala kang kinakatakutan. Subok ka na. But speaking of takot, isa lang daw ang kinakatakutan mo at takot ka raw kay Lucy Torres?" "Yes," ang mabilis na sagot ni Goma. "Lie" ito ayon kay Rufa Mae, pero, "truth" naman for Pia. But based on the lie detector machine, isa itong "truth." For the fourth question, bira ni Anjo: "Alam namin na sobra ang trust nyo ni Lucy sa isa't isa. Pero, curious lang kami, nagkaroon ba ng time na nahuli ka ni Lucy na may ka-textmate na chick?" Ang sagot ni Goma ay "No," pero nagkasundo sina P-Chi at Pia for giving a "lie" to Goma's answer. Sumang-ayon naman sa kanila ang lie detector machine. Nag-follow-up question pa si Anjo kay Goma kung sino raw ba ang nahuli ni Lucy na ka-text niya, artista raw ba ito, morena raw ba? Mahaba ang buhok? Kapuso or Kapamilya? Sagot naman ni Richard ng natatawa, "Hindi ko alam kung ano ang itinatanong nyo sa akin. Mabait na ‘ko." Sa pang-limang tanong naman ni Anjo: "Noong single ka pa, totoo raw ba na pinaiyak ka ni Nadia Montenegro noong time na mag-M.U. pa lang kayo?" "Yes, napaiyak talaga ko nun," ang pag-amin ni Richard. Pia said lie dahil hindi raw siya makapaniwalang iiyak si Goma dahil sa babae. Pero tumugma naman ang sagot ni P-Chi na "truth" sa resulta ng lie detector machine. Sinuportahan naman ni Anjo ang pag-amin ng kaibigan, "Ako, naalala ko yun. Si Goma kasi, kapag na-in love ‘yan, talagang sobra-sobra." Sey naman ni Richard, "Ang totoo noon, kasama ko si Nadia. Pag-uwi namin, iba na ang kasama niya, si Benedict Aquino na. Ganoon lang pala. E, at that time, close lang talaga sina Nadia at Benedict." Biglang ipinasok naman ni Anjo ang pag-alaala sa paghihiwalay naman noon nina Goma at dating girlfriend nito na si Dawn Zulueta. Natatandaan daw ni Anjo na tila may kinuwento noon si Goma na mga alahas na itinapon daw nito sa ilog sa sobrang sama ng loob sa pakikipag-break kay Dawn. Pero kahit anong pilit, nakangiting sagot lang ni Goma na hindi na raw niya maalala ang pangyayaring yun. Kaya sa pang-anim na tanong ni Anjo kay Richard, totoo raw ba na sa lahat ng naging girlfriend ni Goma, pinakanasaktan ito kay Dawn? Goma answered "Yes." Nagla-lie naman daw si Goma ayon kay Pia. Kasi ang alam daw niyang na-hurt nang husto si Goma ay nung makipag-break it okay Sharon Cuneta. Pati si Anjo ay nagsabing ang alam niya, si Sharon ang pinakaminahal ni Richard. Sumang-ayon naman si P-Chi sa sinabi ng dalawa. Pero nang sumagot na ang lie detector machine, isang "truth" daw ang sagot ni Richard. "Mas minahal mo si Dawn?" ang huling hirit pa ng tila hindi makapaniwalang si Anjo. Sa ika-pitong tanong, magkasabay daw ang taping ng Family Feud at the Sweet Life at madalas daw puntahan ni Lucy si Richard sa taping. Could that be, Lucy's way of pagbabantay raw kaya kay Richard? Sagot ni Richard: "Totoo ‘yun, nagpupunta si Lucy, kahit ako rin. Kasi, nami-miss namin ang isa't isa." Sumang-ayon naman sa kanya ang lie detector machine nang nagresulta ito ng "truth." All in all, Goma got four truth and three lies. - Philippine Entertainment Portal