Jomari gets GMA as media partner for Martin-Pops concert
Muling nakipagtsikahan si Jomari Yllana sa ilang mga kaibigan niya mula sa entertainment press noong December 23 sa UCC Cafe along Tomas Morato, Quezon City. Promise niya âyon nang una siyang makipagkuwentuhan sa mga kaibigan na magmi-meet sila muli for his update sa ipinu-produce nila ng kaibigan niyang si Ronald Singson ng kanilang Fearless Promotions, ang pre-Valentine concert ng girlfriend niyang si Pops Fernandez at ang ex-husband nito na si Martin Nievera. Ito ang Missing You na gaganapin sa February 6, 2009, sa Araneta Coliseum. Like a true businessman, itinuring ni Jomari Yllana na "best Christmas gift" na natanggap niya ang naayos at nakapirma na siya ng contract sa Araneta Coliseum. "Makakapagsimula na rin kaming magtrabaho," pagbabalita ni Jomari. "Aaminin ko na kahit naka-reserve na sa amin ang Araneta Coliseum, hindi pa rin kami makagalaw, dalawang beses na kaming nakipag-meeting sa kanila, pero hindi pa rin kami nagpipirmahan ng contract. Gusto ko kasi munang pag-aralan ang lahat, ayokong maging problema ang naging problema ng ibang concert producers. Kung ako lang kasi ang magbabasa ng standard contract ng Araneta Coliseum, hindi ko maiintindihan. "Kaya sa third meeting namin, kasama ko nang humarap sa kanila ang mga lawyers ko at si Ms. Tessie Celestino ng Airtime Marketing, Inc., who's in charge of the marketing ng concert. Kaya maayos na ang lahat, nalaman ko na kung ano ang mga dapat panagutan ng isang producer na tulad ko. Ayoko kasing mangyari âyong tulad sa ibang producer na pagkatapos ng concert, magtataka sila kung bakit gano'n lang ang kanilang kinita. âYon pala, may mga dapat kasi silang bayaran na hindi naman nila binayaran dahil hindi nila alam na nasa contract pala âyon, basta lang nila pinirmahan. Hindi nila ginawa ang ginawa ko kaya sila nagkaproblema." Medyo malaki talaga ang babayaran sa venue, pero wala na siyang aalalahanin pang dapat bayaran dahil naayos na nila. How much ang price ng tickets for the concert? "Six thousand plus ang pinakamahal na price, then four thousand plus, three thousand plus, two thousand plus, one thousand plus, five hundred plus, and three hundred plus. Patuloy ni Jomari, "Nagpapasalamat din ako sa media partner namin, ang GMA Network, dahil binigyan nila kami ng magandang deal. Hindi lang basta magiging isang special post-Valentine presentation ang Missing You concert kundi pinayagan nila kaming maging blocktimer ng network. That means, pwede kaming kumuha ng aming advertisers. At puwede ring mag-promote sina Pops at Martin sa mga show ng GMA 7." Papayagan ba ng ABS-CBN si Martin na mag-promote sa GMA-7 particularly sa SOP, samantalang nasa ASAP '08 ito? Paliwanag ni Jomari, "Wala namang contract si Martin sa ABS-CBN at alam ko nakakapag-promote siya sa SOP noon ng kanyang albums and concert. If ever na hindi nila papayagan si Martin sa SOP, magpu-promote kami kung saan kami welcome mag-promote. "Ngayon na naka-sign na kami ng contract sa Araneta Coliseum, early January ay ilalabas na namin ang billboards and print ads ng concert. Bago umalis si Martin for Christmas sa Las Vegas, with sons Robin and Ram, natapos na namin ang pictorial nila ni Pops. Very comfortable naman si Martin during the pictorial kay Ronnie Salvacion na tumagal lang ng three hours." FANS OF MARIAN. Ikinuwento rin ni Jomari ang request ng mga kaibigan niyang professionals na manood ng premiere night ng Desperadas 2 sa SM Megamall last December 19. "In this connection, gusto ko ring magpasamalat sa mga lawyer friends ko na tumulong sa akin sa pag-aayos ng contract ko. Gusto lang daw nilang samahan ko sila na manood ng red-carpet premiere ng Desperadas 2. Mga fans pala silang lahat ni Marian Rivera. "Medyo nagtaka nga ako nang âyon ang ni-request nila sa akin, at noon ko lang nalaman na ang grupo pala nila na mga professionals, lawyers, doctors, accountants, mga fans pala ni Marian. Naniniwala akong nahuli talaga ni Marian ang market simula pa sa Marimar at hanggang ngayon, lalong dumarami ang humahanga sa kanya kaya kahit anong negative write-ups ay hindi paniniwalaan ng mga fans niya. Hindi ko sila nasamahang manood ng movie dahil may mga kausap pa ako, pero sinundo ko sila after the screening at tuwang-tuwa sila sa movie, lalo na kay Marian," kuwento ni Jomari. - Philippine Entertainment Portal