ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marky Cielo, kasama dapat ni Ryza Cenon sa stage play


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines – It's never easy to accept the loss of a loved one. Sa case naman ni Ryza Cenon, who is currently busy in a stage play, ang loss ni Marky Cielo ay mas lalo niyang nararamdaman. Binisita ng Chika Minute si Ryza Cenon sa isang stage play at the Tanghalang Pilipino sa CCP kung saan siya ay kasama sa cast, together with fellow "StarStruck" alumnus Mike Tan. Naaalala ni Ryza ang times kung kailain sila nagre-rehearse ni Marky Cielo. "Tinutulungan ko siya para makabisado niya 'yung script niya. Kasi sa aming tatlo, ako 'yung unang nakaka-kabisado ng script. Tapos sabi niya: 'Huy, tulungan mo naman ako,' ganyan. [Sagot ko naman], 'O sige, ako si Maria Clara'," ang kanyang kwento. Dagdag ni Ryza: "Dapat nga kasama dito si Marky, siya si Ibarra dapat sa Maria Clara. 'Yun nga, sa nangyari, so ginagawa namin ito, siyempre para rin sa kanya. Kumbaga tinatapos namin ito." Kaya nga doble pa ang effort ng mga kasama ni Marky sa pag-improve ng kanilang craft, dahil for them, ito ang isang way na makapag-bigay sila ng homage sa kanya na siguradong ma-aapreciate niya ng todo. Sa totoo lang, ang mga stage play na ganito ay malaking tulong sa kanilang acting – lumalawak ang horizons nila dahil sa training at disiplina na ibinigay ng pagganap sa entablado. Banggit nga ni Mike Tan: "Kapag onstage kasi, kung ano yung hinihingi ng script, 'yun ang ibibigay mo, eh."- iGMA.tv