ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Diana Zubiri: Ready for both comedy and drama


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines – Sa set ng "Bubble Gang" binisita at kinamusta ng iGMA ang sexy actress na si Diana Zuburi. Ibinalita niya sa amin that we might be seeing her sa prime time sometime soon, but ayaw pa niyang banggitin kung anong show. “Hindi ko kasi alam kung puwede ko nang sabihin kasi…sabi pa lang, hindi pa ginagawa, hindi pa nangyayari. So, hindi ko alam kung matutuloy, o sa akin pa rin [ang role]," ang paglilinaw niya. Pero idinagdag naman ng aktres na kahit ano naman ang dumating sa kanyang project ready siya. "Magaling ako eh [laughs]. Siyempe kailangan unang-una, ikaw ang fan ng sarili mo. Parang [chuckles] sabi nga ni Katrina Halili dati, ‘Love your own,’" ang makahulugang pahayag ni Diana. Tunay naman na pwedeng ipagmalaki ni Diana ang kanyang na-achieve sa show business. From being a sexy model, she was able to transform herself into an actress. A regular sa longest running gag show sa Philippine television, ang "Bubble Gang," Diana has proven that she has comic timing at pwedeng makipag-sabayan sa mga top-rate comedian ng bansa, like Michael V. and Ogie Alcasid. In terms of drama naman, Diana recently starred sa dalawang drama series "Babangon Ako’t Dudurugin Kita" at ang "Gaano Kadalas ang Minsan" where she reprised the role of Ms. Hilda Coronel. Diana attributes her transformation in show business sa kanyang mga experiences sa buhay. “Galing sa experiences ko [ang every portrayal]. Hindi naman lahat ng nangyayari sa buhay laging masaya, hindi rin lahat comedy lang ‘di ba? Parang gulong ng buhay, umiikot so parang dun [ko] kinukuha ‘yung motivation [ko]," ang paliwanag ni Diana. Truly, we can say na ready na nga si Diana sa mga darating sa kanyang career this 2009. Mapa-drama man o comedy, we are sure that she will continue to soar higher this year. - Loretta G. Ramirez, iGMA.tv