ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pauleen Luna not closing door on ex-boyfriend Sherwin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Naging bukas na libro ang dating relasyon ni Pauleen Luna kay Sherwin Gatchalian, isang pulitiko. Noong naging sila, tuwing may problema sila sa kanilang relasyon, hanggang sa nagkahiwalay sila-naging saksi ang publiko. Pauleen Luna has been very honest in admitting that his breakup with the mayor of Valenzuela City was the most painful experience she had. Lately, ang lumalabas na balita ay isang non-showbiz girl daw ang ipinalit ni Sherwin kay Pauleen. At madalas daw kasama ng 34-year-old public figure sa mga political gathering ang nasabing girl. Sa kabilang banda, isang congressman naman daw ang bagong inspirasyon sa buhay ngayon ni Pauleen. Sa presscon ng BIDA o Batang Iwas Droga Foundation, kung saan napili si Pauleen na maging isa sa mga endorsers, last March 4 sa Alegria Lounge ng Manila Pavilion, agad naming tinanong at hiningan ng kumpirmasyon tungkol sa nasabing balita. "Just to clear it, I'm not seeing anyone right now," ang bungad niya. "Yung sinasabi nilang congressman, wala akong nami-meet na bagong congressman. The closest congressman na kilala ko was the brother of Sherwin and that's it. Wala na akong ibang kaibigan na congressman, right now. I'm single and I'm not seeing anybody." Ano naman ang masasabi niya sa umano'y bagong girlfriend ng kanyang ex-boyfriend? Sagot ng actress-host, "Diyan sa sinasabing bagong girlfriend ni Sherwin, I'm not sure. Naririnig ko na mayroon daw but when I asked him naman, sinasabi niya na wala. But it's inevitable. Magde-date at magde-date 'yan ng ibang babae at di ko na yun kontrolado." Klinaro na rin ni Pauleen ang balita noon na sinugod daw niya si Charee Pineda, na na-link kay Sherwin. Diin ni Pauleen, "That's not true. SK [Sangguniang Kabataan] chairman si Charee and never ko pang nakita si Charee when me and Sherwin broke up. Saka I'm not that type." Right now ay bukas pa rin ang communication lines between Pauleen and Sherwin, at aminado naman ang aktres na hindi pa rin nawawala ang feelings niya para dito. Naging bukas din siya sa pag-amin na hindi siya nagsasarado sa posibilidad na baka isang araw ay magkabalikan pa rin sila ng ex. "We talk when we got the chance to...Sa Internet, we see each other online, nagkukumustahan pero ganun na lang. Feelings? Di naman ganun kadaling mawala yun. It's not easy to forget someone that you've been [with] for more than a year. "I'm not thinking about it now but, ako, I believe na if it's us, it's us. Some force of nature will bring us back together." Samantala, isa pang lalaking naiugnay kay Pauleen last year ay si Gerald Anderson. Nang tanungin namin ang young actress tungkol dito, tahasan niyang sinabi na totally ay pinutol na talaga niya ang communication sa Kapamilya actor ang Gerald, at marami rin daw siyang natutuhan sa nangyari. "We don't have communication anymore. The last time, I think he texted me ay nung wake ng Lola ko but di ko na sinagot coz nawalan na ako ng gana. Nung lumabas ang issue, di ko na siya kinakausap, so nung nagde-deny siya, wala na talaga. Di na siya nagte-text sa akin or ako ang nagte-text sa kanya," ang kuwento ni Pauleen. Dagdag pa niya, "One thing is marunong naman akong madala. Saka pag ang lalaki pala ganun, dapat ganun na lang. I learned that di pala lahat ng nakikilala ko, totoong kaibigan. "Basta sa ngayon, I'm not looking for a relationship or someone to be my inspiration. But then if he knocks on my doors, why not?" Nasulat last year na naglayas daw si Pauleen sa bahay nila at nakitulog sa bahay ng isa sa kasamahan at kaibigan sa Eat Bulaga na si Ruby Rodriguez, kasi nagrebelde daw ito dahil sa sobrang paghihigpit ng mga magulang, particularly, Mommy Chat. Diretsong sinabi ng 20-year-old Kapuso star na walang katotohanan ang nasabing isyu. "That's not true, tsismis lang talaga 'yan. She wants the best for me and I appreciate it so much. Kami ng Mommy ko, we have an open communication. Pag may sama ako ng loob, sinasabi ko agad or pag siya may sama ng loob sa akin, diretso niya ring sinasabi sa akin kaya malabo ang balita na 'yan," pagtatapos niya. - Philippine Entertainment Portal

Tags: pauleenluna