ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Dingdong Dantes 'inspired' by Marian Rivera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa ginanap na unveiling ng bagong Bench Body giant billboard ni Dingdong Dantes sa Guadalupe ay muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor. Dahil pinag-uusapan pa rin ang Most Powerful People in Showbiz list na inilabas ng YES! magazine, tinanong namin si Dingdong tungkol sa list, kung saan he was ranked No. 7, behind fellow Kapuso stars Marian Rivera (No. 5) and Richard Gutierrez (No. 6). Naging masaya ba siya sa ranking niya? "Alam mo, I respect the credibility of YES!, especially the ones who deliberated the Top 50. Pero siyempre, naniniwala rin ako na there are other people who believe otherwise. Pero at the end of the day, it's still a magazine at nagkataon na YES! ang may chance na mag-publish niyan at sila ang nakaisip na mag-deliberate tungkol sa bagay na ganyan. "If other people think otherwise, nirerespeto ko rin 'yan. You know, they can come up with their own surveys and maybe, in that survey, mag-iiba ang pagka-sequence ng mga tao, ng mga ranking, ng mga classification. But nevertheless, ako ay nagpapasalamat din sa mga naglagay sa puwesto na yun. It means na may tiwala sila sa akin at nagpapasalamat ako," saad ni Dingdong. Siya naman daw kasi ang klase ng tao na never na naging isyu ang ranking or anumang title ng isang tao or celebrity. "Never naman akong naging particular sa mga ganyan, as long as I'm always doing my best, okey na ako ro'n," sabi niya. Lumabas din ang mga talent fee na natatanggap niya per taping/shooting sa bawat show at movie na ginagawa niya. May ibang nagde-deny at never na umaamin sa mga ini-reveal na ito ng YES!. Natawa lang si Dingdong nang tanungin namin tungkol dito. Aniya, "Ako, no comment na lang ako riyan. I will not confirm nor deny that! Siguro yung konti totoo, basta..." May pahapyaw rin na sinabi si Dingdong na magaganap sa kanya this summer at sa mismong birthday month niya in August. Pero ayaw pa niyang sabihin kung ano ito. Sabi lang niya, "Meron akong dalawang malaking proyekto na lalabas. Isa itong summer, isa sa August. It has something to do with me personally. At ayoko munang sabihin kung ano siya, but this will be something talaga na very personal na tutukan ko talaga." Next movie Pagdating naman daw sa pelikula, "We're still conceptualizing on that, of course, GMA Films is still on top of it." Dagdag niya, "Siyempre, ako naman, yun din ang isa sa inaabangan ko dahil yun din ang gusto ko, gumawa ng isang magandang pelikula taon-taon. Kung puwedeng higit sa isa, mas maganda." May naka-lineup daw sa GMA Films na pelikulang pagsasamahan pa rin nila ni Marian Rivera. This time, isang romantic comedy naman ang gagawin nila ng kanyang kapareha sa "Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang." "Well, kahit ako naman, I feel na, you know, meron din kaming isang aspeto na sa aking paniniwala, e, talagang yun ang expertise namin. At yun, e, hindi pa namin yun nae-explore sa pelikula." What's the score? Ano na nga ba ang status nila ni Marian ngayon? Kung ang mga tao ang tatanungin, parang sila na, at diretsong kumipirmasyon na lang nila ang kailangan. Pero sabi nga ni Dingdong: "Kung saan man hahantong 'yan, kung hahantong man 'yan sa mas seryosong bagay sa mga susunod na kabanata, tingnan na lang natin. Basta ako, ayokong pangunahan. Much more na sa ngayon, marami kaming kanya-kanyang priorities. Sa kanya personally, marami siyang priorities and ako, siyempre, marami pa rin akong iniisip. We're very lucky na magkasama kami sa trabaho." Pero masasabi niya bang in love siya ngayon? "I would say, inspired.... Inspired sa maraming bagay, sa maraming dahilan." Si Marian ba ang nagpapa-inspire sa kanya? "Oo," pag-amin niya. "Isa siya dun siyempre, at bukod pa run, marami pa siyempreng ibang tao at ibang bagay. Pero hindi ko ide-deny na isa siya dun." Phenomenal love team Binati rin ng PEP si Dingdong sa pagkakapili naman sa kanilang dalawa ni Marian bilang Most Phenomenal Loveteam ng Box-Office King and Queen dahil sa "phenomenal" success ng ng teamup nilang dalawa. Natuwa naman si Dingdong nang marinig ito. "Salamat, salamat. Akala ko nga tapos na yung Guillermo, pero parating pa lang pala. Nagpapasalamat naman ako dahil alam n'yo, ang Guillermo, sobrang memorable rin sa akin dahil diyan ako binigyan ng Prince of Movies. Isa yun sa mga unang award ko na hindi ko makakalimutan. In fact, nasa akin pa ang sash hanggang ngayon," kuwento ni Dingdong.