ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Eugene Domingo: Balancing laughter with tears
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines â From a Koreanovela comedy to Pinoy komiks, alam na alam ni Eugene Domingo kung paano hanapin ang kiliti ng mga manonood. Pero bakit after "Ako si Kim Samsoon," ngayon lang ulit lumabas si Eugene sa isa na namang prime time soap? Bakit hindi natin alamin? "Si Ate Uge, may sariling script pagkatapos ng eksena. Talagang wala â windang ka sa kanya," a self-confessed Eugene Domingo fan, Sherilyn Reyes says. "Ay nako, ang galing niya talaga." Reyes is all praises para sa "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" co-star niya. And who wouldn't be impressed with this comedienne, 'di ba? With her numerous commercials, movies and last year's runaway hit "Ako si Kim Samsoon," napatunayan ni Domingo na there's no one else who can do her brand of comedy. Pero bakit ngayon lang siya ulit nagbabalik sa prime time programming ng GMA? "Kasi, alam mo, nakakapagod mag-soap," explains Domingo. Not to get her wrong, "napakasarap" din daw ang magkaroon ng soap, "dahil nga nakakabuo ka ng friendship at dire-diretso ang pasok ng kita. Practical lang naman ako, 'di ba?" But, she says: "Nakakapagod siya. Saka taling-tali ka for the whole week. Eh ako, bilang artista saka bilang tao, after finishing a project na binigay mo naman lahat â puso mo, lahat-lahat, oras mo â gusto ko iba naman 'yung gagawin ko." She says na suwerteng-suwerte na ang feeling niya just to have one soap a year. Pero she also wants to do other things after playing the same character ng tuloy-tuloy: "Gusto ko naman mag-shooting [ng movie], gusto ko namang umalis ng bansa â marami pa akong gustong gawin." So bakit niya na napili ang "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang" to be her second GMA soap? "Kasi si Direk Joyce [Bernal], 'di ba?" Domingo answers matter-of-factly. "First time ko siyang makakasama dito sa GMA, si Marian [Rivera], tsaka si Dingdong [Dantes] â eh balita ko parang last na nila yatang magkasama together â eh napakasisipag! "'Yun ang maganda â walang aberya. Yun lang naman," she says. "Makukulit sila, pero pagkatrabaho na â game [sila]." And aside from the tension-free set, she enjoys working with people who are professional with what they do. Sabi nga niya, ultimo si Alyssa Alano, nakatutuwaan niya. "Isa pa 'yun!" Domingo exclaims with a laugh. "Panalo 'yun sa subaybay sa breakdown [ng scenes]. Ang sisipag. Game na game." Sa course ng interview, natanong namin si Domingo kung ano ang masasabi niya't talaga namang lumulutang ang comic timing ng mga tao whenever with her. Ang sagot niya: "Alam mo, meron naman talaga sila. Mahilig kasi ako sa 'Ganito gawin natin.' Yung ganoon. 'Yung, 'Let's talk abou the scene.' Wag [dapat] tayong magsarili, wag tayong selfish. Yung pa-shine-in mo rin yung [ka-eksena mo]. Kasi ganoon ako pinalaki." Domingo shares na nung nagsisimula pa lang siya noon, "Yung mga nakatrabaho kong seniors, hindi rin selfish. Like Miss Gloria Romero, Miss Maricel Soriano â they were never selfish. Napakasuwerte ko. So kung ano 'yung natutunan ko sa mga seniors ko, ganoon din ako sa mga junior â na ang eksena hindi magwo-work kung wala kayong rapport ng kasama mo." And known for her comic antics, she says she loves to make people on the set laugh: "Di ba? Magseseryoso ka pa ba, puyat na nga kayo?" She adds na important ang mga characters na tulad ng sa kanya dahil: "Dramang-drama na nga 'yung [soap], kailangan balanse â always balanced. Lahat." Kaya naman sa mga susunod na episodes ng "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," she is looking out for more comic scenes to balance the really hardcore drama ones. Pero meron din siyang request para sa character niya. "Kung ako ang magsusulat, gusto ko sana maintindihan ni Madel kung saan ang pinanggagalingan ni Proserfina [Marian]," Domingo says. "Kasi kung mahal na mahal ni Madel [si Homer], bilang siya na ang nagpalaki [dito], at mahal ni Homer si Proserfina, sana siya na 'yung maging tagapagtanggol." And with everyone getting angry at Proserfina and Homer, she hopes na siya na 'yung maging tulay sa eventual na pagkakabati-bati ng lahat. "Para, again, my favorite word â balanse," Domingo says. Looking forward, she says nahihiwagaan pa ang character niyang si Madel kay Proserfina. "So ang pinakaabangan ko diyan, mahalin ng tao si Proserfina dahil biktima rin siya. 'Yun ang kaabang-abang doon," she says. - Jason John S. Lim, iGMA.TV
Tags: eugenedomingo
More Videos
Most Popular