Katrina Halili and Kris Lawrence meet in Bora
Kinumpirma ng controversial sexy actress na si Katrina Halili na nagkita sila ng kaniyang napabalitang ex-boyfriend na si Kris Lawrence sa Boracay nitong nakaraang Holy Week. Sa panayam sa Showbiz Central nitong Linggo, nilinaw naman ni Katrina na hindi sila sabay nagbakasyon ni Kris at nagkataon lamang na nasa Boracay sila pareho. âEnjoy lang muna. Nagkita kami sa Juice Bar. Magkaibigan kami ni Kris," ani Katrina. Napabalita nitong Pebrero na naghiwalay na nga ng landas sina Katrina at Kris, bagay na itinanggi ng aktres dahil hindi naman daw naging sila ng singer. Isang linggong nagbakasyon si Katrina sa Boracay matapos ang kaliwaât kanang kontrobersiyang kaniyang kinasangkutan. Kabilang na rito ang di-umanoây sex video na kasama si Hayden Kho, na siyang dating boyfriend ni Dra. Vicki Belo. Sabi ni Katrina, gusto lang niyang mag-relax matapos pagdaanan ang naturang mga kontrobersiya. âSobrang saya. Bakasyonista talaga. Gusto ko bagong buhay, kaya nagbakasyon muna ako para maka-relax," sabi ni Katrina, na nakitang nagpagupit ng mahaba niyang buhok bilang senyales ng kanyang pag-âmove on." - GMANews.TV