ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Former sexy star Stella Ruiz weds ex-bf of Gladys Guevarra


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philippines – Through the social networking website Facebook, nahanap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating sexy star na si Stella Ruiz, who now uses her real name Estella White. Kaagad namin siyang tinanong kung totoo bang ikakasal na siya sa dating boyfriend ni Gladys Guevarra, ang Fil-American na si Philip Peredo. Kung matatandaan ay iniwan ng dating co-host ng "Eat Bulaga!" at comedienne na si Gladys ang career niya rito sa Pilipinas dahil nakipag-live in siya kay Philip, na isang businessman from New Jersey, noong August 2007. Pero nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa at inamin naman ito ni Gladys nang mag-guest siya sa "Showbiz Central "last April 5. Ang ibinigay na dahilan ni Gladys ay hindi raw niya kinaya ang kultura na kinagisnan ni Philip sa Amerika. Dagdag pa ni Gladys, marami raw pinagseselosan si Philip, lalo na noong umuwi ang comedienne para sumali sa "Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2" ng ABS-CBN. Kinumpirma sa amin ni Stella na ikakasal na siya kay Philip. May date na ang church wedding nila – Sept. 6. Inamin din ni Stella na ikinasal na sila ni Philip civilly last March 19 sa town hall ng Saddle Brook sa New Jersey. Ang church wedding na lang ang inaasikaso nila ngayon. Ang color motif ng kanilang wedding ay red and white. Marami raw talk shows na gustong ma-interview sina Stella at Philip tungkol sa kanilang pagpapakasal. Pero mas gusto raw nila na maging tahimik na lang ang lahat. "As much as I would love to do an interview, Philip and I have decided to just let people read our website (www.philipandestella.com) to find out about the latest plans for our wedding. "We update this website weekly and will be updating it even more frequently before the wedding. We are enjoying our private quiet life now here in New York," simpleng sagot ni Stella. Where it all began Kuwento ni Stella, nagkakilala sila ni Philip sa pamamagitan ng telepono lamang. Ang mutual friends daw nila ang nag-set up para magkakilala sila. Nasa New York that time si Philip samantalang nasa San Francisco naman si Stella. Kahit nga raw nasa magkabilang coast sila sa US ay nararamdaman nilang may connection na silang dalawa. After nilang magkita after that phone conversation, they exclusively dated and eventually ay nagsama sila sa iisang bahay sa New Jersey. Sa Las Vegas daw nag-propose si Philip kay Stella last Dec. 25, 2008. Nag-order daw ng breakfast si Philip sa kanilang hotel room at ipinatong nito ang isang small white box sa ibabaw ng pancakes ni Stella. Akala raw ni Stella ay pancake syrup ang laman ng white box. Nang buksan niya ito ay may isang maliit na red box at may laman na singsing. Isang family heirloom ang engagement ring na ibinigay ni Philip kay Stella. "Philip gave me an amazing engagement ring!" bulalas ni Stella. "It's 100 years old and it was his grandmother's engagement ring. His mom wanted me to have it. "Napakabuti nila sa akin, they are a decent quiet family. Since we're civilly married, we already got our wedding ring and the jeweler said to me, 'pag nagagalit daw ako kay Philip, just look at my wedding ring and I will remember how much he loves me. "Ang ganda nung wedding rings namin. I chose it myself, he just asked me, if that's the one like. I said yes, so he got it. Mabait na tao si Philip at ang family niya. I am blessed to be a part of this family." The wedding The wedding will take place at St. Peter The Apostle Church sa Henderson, Nevada. Ang magiging Maid of Honor ni Stella ay ang best friend niya at dating sexy star na si Samantha Lopez, o mas kilala noon na si Gracia ng Eat Bulaga!. The wedding reception will be at Southshore Beach & Yacht Club in Las Vegas, Nevada. Para sa kanilang honeymoon, they will fly to Santa Barbara Golf & Ocean Club in Tenerife, Spain. Sobrang saya ni Stella dahil matagal na niyang ipinagdarasal na dumating si Mr. Right, at si Philip nga ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. Every day raw ay nagsasabihan sila ng "I love you" sa isa't isa. Tungkol sa naging past girlfriend ni Philip, ang alam lang ni Stella ay nagkaroon ito ng relasyon kay Gladys. Hanggang doon lang daw ang alam niya at hindi na niya inalam ang istorya kung bakit sila naghiwalay. What's important is that they will share a life together as husband and wife. Ang ilan sa mga pelikulang nagawa ni Stella ay ang mga sumusunod: Sambahin Mo ang Katawan Ko, Ganti ng Puso, Room for Rent, Bitag, Kid Manalo, and Resbak. Naging parte rin siya ng drama series ni Judy Ann Santos na Esperanza. - PEP.ph