Filtered By: Showbiz
Showbiz

A different Jolina Magdangal reunites with Marvin Agustin


MANILA, Philippines – This May Jolina Magdangal is making a grand return sa prime time block ng GMA through "Adik Sa 'Yo," a romantic comedy that will team her up once more sa kanyang long-standing love team partner, Marvin Agustin. But Jolina says, people shouldn't expect the same Marvin-Jolina tandem they saw in "I LUV NY," at least not if she has anything to say about it. We caught up with Jolina Magdangal on Thursday after "Unang Hirit" to ask her about her new show. At ang nakausap namin ay isang napaka-excited na Jolina. "Actually, hindi pa kami nagso-story conference," Jolina tells us nang tanungin namin siya tungkol sa plot ng "Adik Sa'Yo." "Kaya nga pag tinatanong ako ng mga tao, [ang sagot ko:] 'Yes, may sinabi na nga sa amin pero 'yung story, hindi pa talaga siya fully naku-kuwento kasi wala pang story con na nangyayari'." But what is certain is that excited na siya. "Nakikita ko 'yung mga comments sa internet, nae-excite [ang fans]," she says. "Actually, ako rin nae-excite kasi hindi ko alam 'yung story," laughs Jolina. And she's very happy din that she'll be reunited with Marvin Agustin. "Of all naman ng mga artista, siyempre, kanino pa ba ako hindi magiging kumportable 'di ba?" And more than the excitement, Jolina says: "Thankful ako na meron ulit kaming project ni Marvin. Thankful ako na meron ulit akong project after ilang years." But isn't one to celebrate until magsimula sila ng taping at umere na ang show sa TV. "Kasi minsan 'di ba, merong mga nashu-shoot tapos hindi naman natutuloy?" she says. No longer the kikay one Still, this is one project na talaga naman ay all-systems go na, being the only new Telebabad offering ng GMA for the summer of 2009. And may mga gusto nang makita ang fans from the soap, particularly the long-time-coming kissing scene between Jolina and Marvin. "Wini-wish ko din ba 'yun?" tanong ni Jolina, sabay tawa. "Hindi ko alam, pero tingin ko baka may mga changes na mangyayari pagdating sa kung papaano 'yung mga scenes namin ni Marvin." Ayon kay Jolina, matagal na silang dalawa umaarte. And just recently, she's been watching videos of their old shows, to which she says remarks: "Nakakakilabot! Pero noon, kilig na kilig na kami, parang feeling ko talagang bigay-todo na 'yung acting namin." This time around, gusto ni Jolina na iba na ang makita ng mga tao when they see her and Marvin on-screen. "Or sabihin na nating Jolina, kasi si Marvin nakita na natin siya sa iba-ibang roles e," she says. The last television role ni Jolina, nung "I LUV NY," she says may pagka-kikay pa rin 'yung role niya. So for "Adik Sa 'Yo," "parang nage-expect din ako na something na, hindi naman sobrang off-beat doon sa mga ginagawa ko kundi sana may makita din akong maturity. [Pero] ayaw ko din naman ng drastic. Jolina always thinks about her fans first. At dahil nakasanayan na ng fans niya ang pagiging wholesome ng mga characters niya, Jolina wouldn't want them to watch "Adik Sa'Yo" na ibang-ibang Jolina ang mapapanood nila. "Ayaw ko naman ng bonggang manggulat, kasi siyempre gusto ko inaalalayan ko 'yung fans ko," she says. "Pero gusto ko rin maramdaman ng mga tao na, hello, matagal na ako dito sa business at medyo hindi na rin ako nasa line of two na edad!" Kaya naman Jolina wishes na hindi magulat ang mga fans niya once maging mas mature na ang mga gagampanan niyang roles. "Sana wag sila magugulat kung meron akong mga eksena na [iba sa nakasanayan]," she says. "Hindi ko sinasabing may gagawin akong mga bonggang, bigla na lang: 'Ay, walang damit!' 'yung mga ganoon? Hindi. Sana lang kung makakakita sila or mapanood nila ako na slightly kontrabida, or sabihin na nating basta iba, sana ‘wag silang magulat doon." "Adik Sa'Yo" premieres in the latter half of May on GMA Telebabad. - Jason John S. Lim, iGMA.TV