ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana's leading man in 'Rosalinda' a secret


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sabik na raw ang baguhang aktres na si Carla Abella na malaman kung sino ang kanyang magiging leading man sa Pinoy version ng sikat na Mexican telenovela na “Rosalinda." Ayon sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Huwebes, dumadalo si Carla ng isang acting workshop bilang paghahanda sa kanyang napipintong papel. Sa katunayan, kabilang si Carla sa ilang Kapuso stars na tumanggap ng certificate mula kay GMA Network assistant vice president for drama Lilibeth Resonable bilang patunay ng kanilang pagtatapos sa workshop na pinamahalaan mismo ni Direk Joel Lamangan. Aminado si Carla na bilang baguhan ay nahirapan siya sa workshop, pero nag-enjoy naman daw siya. “Kung ako ang tatanungin I want to attend more workshops like this. I like to really learn and if not practice the scenes that we will do," pahayag ng dalaga kay entertainment reporter Audrey Carampel. Ano naman kaya ang masasabi ng batikang direktor at workshop master na si Direk Joel kay Carla? “She’s very good, very diligent, very intelligent. She has the correct emotions needed in whatever soap she will tackle," ayon kay Direk Joel. Bukod sa acting, nagbo-voice lesson din si Carla at nag-aaral din ng Latin dance bilang paghahanda sa kanyang role na “Rosalinda. Pero ang ikinasasabik daw ni Carla na malaman ay kung sino sa mga Kapuso leading men ang kanyang makakapareha. “Gusto kong magtanong, gusto kong mangulit, pero hindi ko talaga alam," pahayag ng baguhang aktres. - Fidel Jimenez, GMANews.TV