ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gandanghari talks about bar discrimination incident


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA, Philppines – Nagsalita na sa harap ng camera si BB Gandanghari para ihayag ang kanyang hinanakit matapos makaranas umano ng diskriminasyon sa isang bar sa Metrowalk sa Pasig noong nakaraang linggo. Sa "Chika Minute" portion ng "24 Oras" ng GMA News nitong Biyernes, ikinuwento ni BB Gandanghari ang nangyaring insidente sa Metrowalk noong Abril 23. Sinabi nito na hindi na siya tumuloy na pumasok sa Aruba Bar nang malaman na sinabihan ang kanyang kasama na bawal ang “cross- dressing" sa loob ng establisimyento. Ang “cross-dressing" ay yung lalaki na nakasuot ng pambabae o babae na nakasuot na panglalaki. Balak daw noon ni BB Gandanghari na panoorin ang pagtatanghal ng singer na si Rannie Raymundo. Sa kanyang blog entry noong nakaraang linggo, sinabi ni BB Gandanghari na pinauna niya sa bar ang kanyang kasama dahil alam nya na minsan na ring pinagbawalang pumasok doon ang stand-up comedian na si Inday Garutay. Nangyari ang insidente kay Inday noong Hulyo 2006, na humantong sa pagsasampa ng kasong diskriminasyon ng komedyante laban sa pamunuan ng bar. Iginiit din naman ni BB Gandanghari sa kanyang blog na hindi maituturing “cross-dressing" ang kanyang ginagawa dahil isa siyang babae na nakasuot ng damit pambabae. “They discriminate a person na… ayaw nilang papasukin sa loob e magbabayad naman ako at hindi naman ako naghahanap ng gulo. Hindi ko lang talaga naiintindihan kung ano yung rule na yun," pahayag ni BB Gandanghari sa "Chika Minute." Sinabi sa ulat na ilang beses sinikap ng GMA News na makuha ang panig ng Aruba Bar pero tumanggi silang magbigay ng komento. - Fidel Jimenez, GMANews.TV