Janno blames insomnia for punctuality problem
Pagkatapos mag-host ni Janno Gibbs ng Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? sa loob halos ng dalawang taon, isa na namang game show ang ipinagkatiwala ng GMA-7 sa singer/actor/TV host. Ito ay ang Power of 10, na unang sumikat sa U.S., pero ngayon ay mayroon nang mahigit 25 international versions nito sa buong mundo na likha ng 2waytraffic ng Sony Entertainment. Power of 10 will also mark as the grandest game show since it will give the highest prize of 10 million pesosâfirst in the history of game show in Philippine television. It will start on May 10, Sunday, kapalit ng My Dad Is Better Than Your Dad ni Paolo Contis. "Iba yung excitement ngayon. Parang mas nakakakaba 'to kasi nga, yun, mas malaki ang prizes. Mas malalaki rin yung bagsak. That's one. Sa Kakasa, eksakto ang answer, e, hindi ka mangangapa. Ito, [Power of 10] kahit na feeling mo tama ka, talagang hindi mo mape-predict. Kahit na sino, hindi mape-predict yung actual answer. So, nakakakaba," pahayag ni Janno nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Power of 10 kagabi, May 7, sa GMA Network Studios. Ano ang nakikita niyang challenge ngayon dito sa Power of 10? "Ang challenge dito, mas technical 'to kesa sa Kakasa Ka Ba... Mas maraming sinusunod na rules na galing sa Amerika," sagot niya. Ano naman ang pakiramdam na siya ang host ng kauna-unahang game show sa telebisyon na magbibigay ng pinakamalaking papremyo? "Ang haba ng hair ko! Siyempre, ganun lang ako nang ganun ng hair. Ten million, walang sinabi ang prize n'yo!" biro niya. Ipinakita rin sa press conference kagabi ang mechanics ng game. Basically, ang magiging sagot ng contestant ay sa pamamagitan ng percentage at kailangan itong magtugma sa percentage na resulta naman ng isang nationwide survey ng isang private agency na ini-hire ng GMA Network. GAME SHOW HOST. Given at napatunayan na niya ang sarili bilang isang singer at recording artist. Pero sa dalawa pang career niyaâang pag-arte at pagiging game show hostâsaan niya mas gustong mabigyan pa ng pansin? "Sa ngayon, medyo... Kumbaga, parang starting pa lang ako as game show host. Pangalawa ko pa lang. Although, naka-two years na yung Kakasa. Feeling ko, dito naman, may kailangan akong i-prove. Singing kasi, ang dami nating singers ngayon. Kahit papaano, may napatunayan na rin tayo ng konti," saad niya. Humakot na rin siya ng sangkaterbang awards sa singing. Sa larangan ng game show hosting, nakikita ba niya ang sarili niya na makakuha ng award para rito? "Dream ko yun, dream ko yun...makatanggap. Meron na 'ko as host, sa variety show. Pero wala pa ko as game show host." Sino ba yung idol niya as game show host? "Idol ko? Yung ngayon, ang dami, e! Magagaling lahat... Sina Edu Manzano, Kris Aquino, magagaling lahat. But yung mga before, well, dati si Ariel Ureta ang gusto ko. Pero game or basta hosting, si Joey de Leon yun. Sa mga existing pa, si Joey de Leon ang idol ko as host," sabi ni Janno. BETTER LATE THAN NEVER. Sa kabila ng image ni Janno na madalas ma-late sa kanyang shows ay binigyan pa rin siya ng panibagong game show ng kanyang home network. Naging usap-usapan nga ang diumano'y pagre-reprimand sa kanya ng management nang nang-absent siya sa Kakasa Ka Ba Sa Grade 5? at nag-pinch hit sa kanya si Mo Twister ng dalawang episodes. Pero ayon kay Janno, hindi naman daw siya ipinatawag ng management. "Actually, akala nila ni-reprimand ako. Actually, wala... Kasi ako naman, unang-una, hindi naman ako proud sa times na yun. But I'm not always late. Usually, may abiso naman ako ng maagang-maaga. Halimbawa, madaling-araw, 'Hindi po ako makatulog, e. Baka hindi po ako magising.' "Actually, sa Kakasa, in two years, isang araw lang ako nag-absent. Yung isang taping kasi, dalawang episodes, kaya parang two weeks akong absent. Pero actually, one day lang," paliwanag ni Janno. May warning na ba sa kanya na sa Power of 10 ay hindi na pwedeng ma-late or mag-absent? "Ah, hindi naman. So far, hindi naman ako nale-late," sagot niya. - Philippine Entertainment Portal