ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Paolo Contis, Lian Paz affair: Against all odds?
MANILA, Philippines âItinanggi ni Paolo Contis ang mga balitang nagli-live-in na sila ng girlfriend na si Lian Paz. Pero inamin ng aktor na kasama sa desisyon niyang bumukod ng bahay ang hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang ina dahil na rin sa dalaga. Sa entertainment talk show ng GMA na 'StarTalk" nitong Sabado, ipinakita ni Paolo ang nilipatan niyang townhouse sa Quezon City mula nang umalis sa poder ng kanyang mga magulang. Maayos naman ba ang paghiwalay niya sa kanyang mga magulang? "Hindi siya the best, hindi siya sobrang okey, it could have been better, pero it should do for now. Marami akong bagay na dapat mapatunayan, I want to prove to my self na Iâm not getting any younger," ayon sa aktor. Nilinaw ni Paolo na sariling desisyon niya ang bumukod ng bahay taliwas sa mga naglalabasang balita na pinalayas siya ng kanyang mga magulang dahil sa pakikipagrelasyon kay Lian. "Never akong pinalayas, o hindi rin ako inutusan na maghanap ka ng lugar, walang ganung nangyari. Voluntary kasi gusto ko na rin talaga," paliwanag niya. Standing by his love Inilahad na rin niya na malaking kontribusyon sa desisyon niyang bumukod ang pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina pagdating sa kanyang love life ngayon. "Hindi ko alam kung ano ang extend ng problema. Kasi I refuse arguments e, so ayokong ng argument kung feeling ko nakakasama rin âyon. In-isolate ko muna yung sarili ko, and eventually I want to tell them na kung ano nangyari sa buhay ko. Doon sa tsismis, lumabas na sa TV, so feeling nila lalo na mommy ko na naiwan siya, siya ang huli so lumaki yung tampo nya sa akin," paliwanag ni Paolo. Kumalat ang mga balita na hindi umano pabor ang ina ni Paolo sa pakikipagrelasyon nito sa EB Babe dancer na si Lian na naiintriga rin ngayon na nagdadalang-tao. Sa kabila nito, todo depensa pa rin si Paolo sa nobya at handa umano niyang ipaglaban ang dalaga para patunayan sa mga tao na mali ang pagtingin nila kay Lian. âNakakahinayang na in a way gusto ko makita nya (mommy) kung gaano kami ka-okey. I feel bad na hindi niya nakikita na naunahan ng galit, naunahan ng maling perception ng tao. I have to fight for It, I just had kasi kung pagbibigyan ko yung tingin nila, mali e, mali talaga. Hindi ko makuha yung point na mapagbigyan yung tingin nila kay Lian, hindi yun ang nakikita ko, so very unfair to her," pagdiin ng aktor. Hurting Inilahad naman ni Lian na masakit para sa kanya ang nangyayari sa relasyon nila ni Paolo at sa hidwaan ng aktor sa pamilya nito dahil sa kanya. âIâm hurt, Iâm not given the chance na maipakilala ko yung sarili ko sa kanila, maipakilala nya ko. Siyempre ang hirap ng ganun na magkasama nga kami pero parang may kulang pa rin. âDi siya perfect kasi kapag nakikita ko siyang malungkot I know he miss his family. Iâm not here to ruin his family, Iâm not here to ruin his bonding to his family," ayon kay Lian. Sa kabila ng kinakaharap na pagsubok sa kanilang pag-iibigan, tiniyak nina Paolo at Lian na ipaglalaban nila ang isaât-isa at patutunayan na mali ang mga naghuhusga sa kanilang pagmamahalan. âAko kasi vocal akong makipaglaban e in public, sa interview makikipaglaban ako for her. Pero sheâs fighting for me as well. Just for the fact na hindi nya ako iniwan, nandyan siya tahimik âyon pero ang laking bagay nun, pakikipaglaban yun para sa akin. Nilalabanan nya lahat ng intriga laban sa kanya, para lunukin yun dahil dumating ako sa buhay, Iâm very thankful for that," pahayag ni Paolo. Tugon naman ni Lian, âYun talaga ang pinakaâ¦nagpapasalamat ako sa kanya kasi hindi nya ako pinabayaan mag-isa. Yun nagtutulungan kaming dalawa para i-prove sa lahat na mali, kayo in time makikita niyo rin." Si Paolo na talaga Bagaman hindi sila magkasama ni Lian sa isang bubong, inamin ni Paolo na nagpupunta sa kanyang townhouse ang dalaga para ipagluto siya at tulungan sa paglilinis ng bahay. âAlam nya na hindi ako marunong magluto, so nagluluto siya. Sa paglilinis mas may alam siya sa akin so tumutulong siya," kwento ng aktor. Inamin naman ni Lian na handa na siyang sumama kay Paolo at makapiling ang binata sa habambuhay. âThe moment na sinabi ko sa kanya na yes, oo, sabi ko. Saka doon din naman pupunta âyon⦠Ready naman ako gusto ko siya na, siya na talaga," ayon kay Lian. Ngunit wala umanong katotohanan ang balita na buntis si Lian. Ayon kay Paolo, posibleng nagmula ang tsismis na nagdadalang-tao ang dalaga nang samahan niya ito sa ospital para magpa-ultrasound upang ipasuri ang natuklasang ovarian cyst ng dalaga. âAlam naman namin na ganun ang mangyayari. Actually nang magpunta kami sa ospital nagtanong kami, saan yung ano, ultrasound? Dun yung mga buntis, tapos ang tingin sa aminâ¦mga tao talaga malisyoso," natatawang kuwento ni Paolo. Dahil sa kondisyon ng kalusugan ni Lian, bakasyon muna siya sa pagsasayaw kasama ang grupong EB Babe. âSabi ng doctor kailangan ko munang mag-medicate ng three months. Sabi kasi âpag nakuha sa gamot hindi na ako kailangang i-operate," ayon sa dalaga. Get a life Hanggang ngayon, hindi pa personal na nakakausap ni Paolo ang kanyang ina at sa text lang ang kanilang ugnayan. Pero nais ni Paolo na iparating sa kanyang mommy na maaayos ang kanyang kalagayan at tiniyak niya na hindi siya umalis ng bahay para magloko at guluhin ang kanyang buhay. âHindi ako umalis ng bahay para magloko.Hindi ako umalis ng bahay para sirain ang trabaho ko. (Ang gusto) na patunay ko na mali ang nabalitaan mo sa mga kaibigan mo na kung ano-ano ang ginagawa ko, o whatsoever," ayon sa binata. âKung may mga pagkakamali ako, hindi ko naman sinadya âyon. Sino ba ang ayaw na proud saâyo ang nanay mo, o buong pamilya mo. I hope one day makikita nila ako and they will be proud of me," dagdag pa ni Paolo. Nakiusap din ang magkasintahan na tigilin na sila ng mga taong nang-iintriga sa kanilang pagmamahalan. âGet a life. I mean if my girl was stress because of that, its not healthy. So kung hindi kayo makakatulong quite na lang kayo. Kung may gusto kayong sabihin sa sarili nyo na lang, pagkwentuhan nyo na lang, âwag nyo na lang i-broadcast. Kasi hindi kayo nakatutulong sa amin ni Lian, hindi rin kayo nakatutulong sa amin ng nanay ko," ayon kay Paolo. âI canât please everybody, ok lang. Pero âwag lang sa point na, âwag naman pati yung sakit ko," pakiusap naman ni Lian. Sa kabila nito, hindi umano nawawalang ng pag-asa ang dalawa na darating din ang panahon na mauunawaan din sila ng mga taong tumutuol sa kanilang pagmamahalan. - Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: paolocontis, lianpaz
More Videos
Most Popular