ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

‘Old’ Hayden is dead, says ‘new’ Hayden Kho Jr.


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay na raw ang dating Dr Hayden Kho Jr. na nasangkot na kontrobersiyal na mga sex videos kasama ang ilang babae kabilang ang aktres na sina Katrina Halili at Maricar Reyes. “The old Hayden is dead, there’s a new Hayden who’s trying to be better…new Hayden is more prayerful and more God fearing, and trying to live his life with integrity..who’s tying to live his life na wala ng masyadong sikreto," pahayag ni Hayden sa panayam ni GMA New Reporter Mariz Umali. Malaki na umano ang nagbago sa buhay ng kontrobersiyal na duktor dahil sa iskandalong idinulot ng pagkalat ng kanyang mga sex video sa Internet. Sa naturang panayam na lumabas sa GMA’s primetime newscast 24 Oras nitong Miyerkules, itinanggi rin ni Hayden na muli siyang nagtangkang magpakamatay taliwas sa kumalat sa mga text message. Nais din niya na humingi ng patawad sa lahat ng babae na naiskadalo sa kanyang sex videos pero hindi pa umano ito ang tamang panahon.


Naniniwala ako sa happy endings as long as I’m alive there a chance. Sana in the future magkabati-bati kami
– Dr Hayden Kho Jr
“Before I apologized in TV, and I was criticized badly for that. They said I was not sincere, they said I was not remorseful. But naiitindihan ko yun kasi not everyone is ready to forgive," pahayag niya. Sa kabila ng mga naganap na kontrobersiya na umabot na ngayon sa korte, umaasa pa rin daw si Hayden maibabalik ang pagkakaibigan nila nina Katrina at Maricar. “Naniniwala ako sa happy endings as long as I’m alive there a chance. Sana in the future magkabati-bati kami," aniya. Masaya raw siya para kina Katrina at Maricar dahil nakabalik na sila sa showbiz. Ngunit masama naman ang loob niya dahil sa pagkalat ng iba pang sex videos na idinidikit sa kanyang pangalan. “May mga videos pa na hindi naman ako, na kahit sinong babae sasabihin Hayden Kho and this, Hayden Kho ganyan," hinanakit niya. Idinagdag ni Hayden na mahal pa rin niya at nais pa rin niyang makipagbalikan sa dating nobya na si Dra Vicky Belo. At dahil wala na umano siyang balak na bumalik sa pag-aartista, at tila nahihirapan na rin gamitin ang kanyang propesyon bilang duktor, balak umano ni Hayden na mag-aral muli at kumuha ng abogasya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV