iGMA: Jay Manalo as a father
Isang ama na noong umpisa ay aakalain mong tamad at lulong sa bisyo ang karakter ni Jay Manalo sa All My Life. Pero ganito rin kaya siya in real life? "My role is of the father of Jules, played by Aljur Abrenica, father na naman," sabay tawa ni Jay. âActually last project ko rito sa GMA e father din nung ating nawalang kaibigan na si Marky (Cielo) dun sa Zaido," kwento ni Jay sa iGMA tungkol sa role niya bilang si Gary Romuladez sa All My Life. âI'm happy na ako ang napili nila ulit ako dito sa project na ito," sambit ng premyadong aktor. In addition to this, All My Life is not Jayâs first time to work with Kris Bernal at Aljur, nakasama rin niya ang mga ito sa parehong proyekto nila ni Marky: "Nakatrabaho ko na rin naman sila Kris at Aljur sa Zaido, so hindi na bago para makasama ko sila, pero 'yung iba rito siyempre mga bago kong nakasama. So ayun adjustment din ng work ethics." "Its time for them to step up, and its not a wrong decision to put the two of them in their own show sa prime time slot," ayon kay Jay. At bilang ama ni Jules sa show, pakiramdam din niya na may responsibilidad siya sa pag-improve ng craft ni Aljur. "Kung ano ang nabibigay sa akin ng mga tao na nag-a-advise sa akin noong bago ako, ibibigay ko rin naman kay Aljur, [sasabihin ko], 'O teka muna Aljur, hindi ka muna si Aljur at hindi ako si Jay, eto tayo, bilang mag-ama na Gary at Jules.' Ganun," paliwanag niya.
Ako kasi, ano naman ako when it comes to work âpag nasa harap na ng camera and then nagro-roll na [ang cameras], I'm not Jay Manalo anymore.