ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
iGMA: Arci Munoz wants more kontrabida role
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa mga huling tagpo ng cinenovela sa GMA na Ngayon At Kailanman, ang katauhan ni 'Donna Benitez' ang tanging masasabi na punong-puno ng muhi at galit. Ngunit para kay Arci Muñoz, she would have it no other way. "Pumangit ako rito at natapunan ng asido, at first time ko talaga na nag-prosthetic. Actually, mas gusto ko âyun para hindi ako nagme-make up!" pahayag ni Arci Muñoz nang makausap ng iGMA sa set ng Ngayon At Kailanman. Ngunit kapansin-pansin na kahit gaano kabigat ang mga eksena nila ni 'Ayra' - as effectively portrayed by Heart Evangelista - pagkatapos ng take ay bumabalik si Arci sa pagiging gregarious at palabiro. "Sobra. Sabi nga nila, nakikita nilang nage-enjoy ako. Enjoy talaga akong maging kontrabida, overwhelming na ang mga reaction ng mga tao," kwento niya. Sa dami ng mga nakukuhang positive comments ni Arci sa kanyang portrayal as Donna, ano pa ba ang ginagawa niya para mas maging maganda ang pagganap niya sa character? "Nanonood lang ako ng mga kontrabida dati. Basta wala akong iniisip na may kagalit ako at wala naman akong kaaway." tugon niya. "Sa iyakan pa, doon ka pa makakaisip ng may iiyakan ka. Pero âpag ito, âpag kontrabida, wala eh. Siguro, kontrabida talaga ako sa totoong buhay." At dahil sa tuwa niya sa role na ito, hindi nakakagulat na gusto pa rin niyang gumanap bilang kaaway ng bida sa mga susunod na projects niya. "Sana naman. Hindi ko tatanggihan âyun. Ako talaga, as long as may magbibigay sa akin, kahit anong role pa âyun. Pero ngayon sobrang na e-enjoy ko âyung pagko-kontrabida," ayon kay Arci. Idinagdag ng magandang dilag na kahit noong una pa lang ay sinabi na niya na gusto niya ang mga role na nang-aaway. Inamin pa niya na minsan she gets carried away sa mga scenes nila ni Heart kaya tinanong namin kung kamusta ang rapport niya with her other co-stars. "Okey, sobrang gaan kong katrabaho. Pero kami one time nagkaroon kami ng eksena, sobrang nadala kami. Nagsasabunutan kami tapos nadulas ako at naka-heels [pa] ako, masakit," kwento niya. And with the entry of Ms. Yayo Aguila into the story, si Arci rin ang tuwang-tuwa at nadagdagan ang kanyang ka-bonding. "Mas nakakatuwa ngayon at nandito si Tita Yayo. Siya ang lagi kong ka-kwentuhan at lagi kong nakakasama."- Erick Mataverde, iGMA Tags: arcimunoz
More Videos
Most Popular