iGMA: 'Darna,' 'Pacman join forces via Show Me Da Manny
One week pa lang ipinapalabas ang primetime hit fantaserye na "Darna," pero mayroon na namang bagong show si Marian Rivera na nakatakdang magsimula bago matapos ang Agosto. Ito ang "Show Me Da Manny," kung saan makakasama niya si Manny Pacquiao. Ang Show Me Da Manny na pangungunahan nina Manny at Marian, will marks the return of situational comedy sa Kapuso Network. Ito ay nakatakdang ipalabas sa Kapuso station sa August 23. At dahil nga sitcom ito, puro mga comedians ang supporting cast. Kabilang dito sina John "Sweet" Lapus, Benjie Paras, Paolo Contis, Mike "Pekto" Nacua, Onyok Velasco and Lito Camo.
Ano kaya ang masasabi ni Marian na tila ibang-iba ito sa mga previous projects niya sa GMA? "Siyempre happy kasi...first sitcom ko ito at saka given na sa totoong buhay talaga eh komedyante talaga ako. So eto, talagang walang effort, kung baga go with the flow lang talaga ako, kung ano ang mangyari eh okay yan," nakangiting tugon ng Primetime Queen ng GMA. "Lalabas 'yung kakulitan ko. I'm sure na kaya rin ibinigay ito sa akin [ay] para at least hindi lang [ako] sa dramaâ¦sa Darna. At least may balance siya," dagdag ni Marian. At dahil sa first time niya to work with the international boxing champ, ready na ba siyang makipagsabayan sa comedy kay Manny? "Excited ako na makakasama ko siya. Ang alam ko pa, pinili pa ata ako ni Ms. Jinky [Pacquiao] para makasama ni Pacquiao so thankful ako," ayon sa dalaga. Tiyak na maraming mag-aabang sa pagbabalik ng sitcom sa GMA kaya todo ang pag-promote ni Marian para sa Show Me Da Manny. "Syempre hintayin nila ito at tinitiyak ko na makikita nila ang totoong Marian dito at matutuwa talaga sila," pag-imbita ni Marian. - Loretta G. Ramire, iGMA