We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Marami ang humahanga sa pagganap ni Nadine Samonte sa karakter na âBabaeng Impakta" sa top rated fantaserye sa GMA 7 na Darna. At ayon sa magandang aktres, ang role niya rito bilang âimpakta" literally brought out the best and worst in her. "Ilang beses na rin akong namamatay, pero nabubuhay pa rin ako. So may mga interesting na twist kung paano ako nabubuhay," kuwento ni Nadine sa iGMA nang bisitahin siya sa remote set ng Darna sa Bulacan. "Kung sinu-sino 'yung mga taong tumutulong sa akin na hindi iisipin ng mga viewers na sila ang tutulong sa akin," pagpapatuloy niya. Hindi rin kaila kay Nadine ang magandang feedback na nakukuha niya sa pagganap niya bilang âBabaeng Impakta." "Mas kinatatakatukan nila 'yung nasa likod ko, minsan nga tuwing gabi âpag napapatingin ako sa likod ko â nagugulat pa rin ako," pag-amin ng aktres. Natutuwa rin naman daw siya sa background ng kanyang karakter bilang impakta na siguradong inaabangan ngayon kung makababalik pa. Baka naman maging kakaibang nilalang si Roma dahil sa mga masamang plano ni "Kobra" na ginagampanan ni Paolo Contis. "Ang weird, kasi parang siya 'yung kakambal ko â ako ipinaglihi sa Arcanghel, siya 'yung pinaglihi sa Lucifer. Parang dalawa ang pinaglihian ng mother ko, tapos ang lumabas ako lang," pagbabalik-tanaw ni Nadine. "Eh lumabas na kuba ako, tapos âpag may umaaway sa akin, lumalabas siya. "Kapag nagiging kontrabida naman ako because of âImpy," he pushes me, âpag may white contact lens ako, ayun bad na ako nun. Pero mabait naman ako actually. Sinusulsulan [lang] niya ako na maging masama," paliwanag ni Nadine. At ano naman ang pakiramdam ni Nadine sa iba't ibang klaseng challenges na ibinibigay sa kanyang role sa Darna? "Happy. Kasi paiba-iba 'yung roles, iba-iba 'yung nangyayari, at yun naman ang gusto ko. Binabasa ko na kaagad sa script kung ano ang mangyayari," aniya. "Like ngayon inaalam ko na kaagad kung ano ang mangyayari sa akin." Idinagdag pa niya, "â¦may mga interesting twist kung anong mangyayari na hindi nila iisipin na mangyayari sa akin." Dahil din sa role niya dito, may isang kakaibang epekto na rin kay Nadine ang kanyang karakter na kinagigiliwan ng mga manonood. "Actually âpag umuuwi ako sa bahay sa Laguna, may mga bata sa labas ng bahay sumisigaw na "Impy, Impy!", sabi ko, âGrabeng Impy [na] 'yun ah, mas sikat pa sa akin," kuwento ni Nadine. Alamin kung anu-ano pa ang sikretong itinatago ni âRoma" sa kanyang katauhan, at makipag tsikahan kay Nadine exclusively sa iGMA. Sa September 22, 2009, from 2:00pm to 4:00pm (Philippine Time) Nadine will be gracing our Live Chat for the very first time. - Erick Mataverde, iGMA