Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Iza Calzado vows 'kakayanin kong abutin ang langit'


Hindi nagkapagtataka kung hindi nawawalan ng project si Iza Calzado. Ngunit, for her, ang challenges ng buhay niya ay hindi lang nagtatapos sa mga plum roles na ibinibigay sa kanya. "Kababalik ko lang galing Canada, nag-show kami nila Kuya Germs (German Moreno), sa Walang Tulugan sa Winnipeg, Canada. [Pero] salamat po," pahayag ni Iza sa story conference ng Sine Novela Presents: Kaya Kong Abutin Ang Langit. "With regards to being named as a person or a woman who has classic beauty, I'm grateful, ‘yun lang ang masasabi ko. I hope that means something really nice, and that's good," pahayag niya. Ang tinutukoy niya ay ang just recently released issue of S Magazine kung saan included si Iza sa mga tampok na GMA Artist Center (GMAAC) talents who did a photo shoot for the said publication. That particular magazine spread of Iza drew praises from a lot of people dahil sa natatanging niyang kagandahan. Ibinalita rin ni Iza na naging memorable ang pictorial niya dahil, "masaya at gustong-gusto ko ‘yung pinagamit nila ‘yung MacArthur Room dun sa Manila Hotel. I was very happy to be on that bed." Tungkol naman sa rumored na iringan nila ng kanyang former All About Eve co-star na si Sunshine Dizon, katulad ni Sunshine, pinili ni Iza to keep mum on the issue and concentrate on the more meaningful aspects in life. Kaya kinamusta ng iGMA si Iza sa kanyang inihandang birthday celebration last month with the beneficiaries of the Gawad Kalinga Community Development Foundation, Inc., sa GK Village in Sitio Pajo, Barangay Baesa in Quezon City. Ito ay isa lamang sa mga numerous causes kung saan seyosong involved ang dalaga. "Nag-celebrate ako nung August 23 sa Gawad Kalinga community, tapos andun sila Mylene Dizon, Isabel Oli, Rhian Ramos, si Alfred Vargas at napakarami pong friends ko rin – from non-showbiz, or mga celebrities na nagpunta," the actress recalled. "Masayang masaya ako, kasi naibahagi ko sa kanila ‘yung isa sa mga advocacies na pinaniniwalaan ko, isa sa mga cause na pinaniniwalaan ko – if not, one of the most respected causes in the Philippines," she added. Iza continued: "I would like to believe Gawad Kalinga is something that gives hope to a lot of people. Sana, sila din, na-inspire sila that day, that was my goal. And sana, eventually, magbigay din sila ng oras nila 'tsaka ng kung anumang gusto pa nilang i-share sa Gawad Kalinga." Siyempre, thankful din si Iza sa mga sunod-sunod na projects niya sa Kapuso Network. "Gusto ko muna magpasalamat sa lahat ng nanood ng (SRO Cinemaserye presents) Rowena Joy. Thank you so much for supporting and for watching. I hope na-enjoy ninyo ang pagkabading ko," she heartily stated. "And ayun po, abangan po ninyo ang Kaya Kong Abutin Ang Langit, mapapanood nyo po ‘yan every afternoon sa inyong Kapuso Network, GMA-7. At abangan ninyo ang [mga pelikulang] Ang Spoiled Brat, September 23, at ang The Echo, September 30." Sa nalalapit namang Sine Novela adaptation naman niyang project na Kaya Kong Abutin Ang Langit, ikinuwento ni Iza na nagkaroon siya ng pagkakataong magkita ni Ms. Maricel Soriano, who played 'Clarissa' in the original movie, to rave reviews. "Opo nagkita kami, sa party ni Kuya Ipe (Philip Salavador), pero wala akong nasabi sa kanya, sobra akong star struck. Nahiya ako, dahil chance ko na ‘yun sabihin sa kanya na, 'Gagawa po kami ng remake ng pelikula ninyo.' Hindi ko nagawa," she recalled. "Tapos nung nagpapaalam siya sa lahat, nung nag-beso siya, ewan ko, bigla akong napayakap. Baka na transfer ‘yung powers. Sana nabahagian [ako]," ayon pa kay Iza. Sa pagtatapos, iisa lamang ang promise ni Iza sa lahat ng kanyang fans and supporters, "Kakayanin ko pong abutin ang langit." - Erick Mataverde, iGMA

Tags: izacalzado