ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Jolina Magdangal is back


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
After months of absence, nakita nang muli si Jolina Magdangal sa 'Unang Hirit.' Magtuloy-tuloy na kaya ang kanyang pagbabalik sa morning show ng GMA-7? "Ang nasabi pa lang sa akin, today and tomorrow," Jolina said after wrapping up Unang Hirit last October 1. "So hindi ko alam kung anong plan next week." Kuwento ni Jolens, may mga plano raw kasi ang show na pinag-uusapan pa. In a previous interview, Jolina has mentioned kung bakit siya nawala sa Unang Hirit, and it was because of her busy taping schedule for her other shows. Pero, Jolina revealed, “after Adik sa 'Yo, may mga tinanggap din akong mga shows e, mga provincial [shows], corporate shows, abroad--so yun muna 'yung tinapos ko." "Nagka-time din ako makapagpahinga," she shared sabay sabing wala pa rin naman daw siyang bakasyon talaga. “Tinapos ko lang 'yung iba kong commitments." After co-hosting Unang Hirit again, halata na masayang-masaya si Jolina. "Ang pinakamasarap na feeling ko kanina, lahat ng makita ko, talagang lahat umaakap. Na parang, 'welcome back,"sambit niya. "Pero wala pa talagang [official word]. Talagang from the staff, to the co-hosts, lahat—pati mga make-up artist--na-miss ko sila, na miss ko sila talaga." For now, Jolina said she just wanted to be happy, and to savor the moment of being back in Unang Hirit, regardless of what will happen come Monday. "At least, nakita ko ulit 'yung mga kasamahan ko; tapos, ang sarap pa kasi, tungkol sa pagtulong [ang show] so happy ako ngayon," ayon sa actress/host. Speaking of pagtulong, kahit ngayon lang lumabas sa telebisyon muli si Jolens, hindi daw ibig sabihin nito ay hindi siya tumutulong sa mga nasalanta. "Mayroon kaming mga tinutulungan din," she explained. With regard to not being seen on television helping out, Jolina said, "Sa totoo lang, para sa akin, hindi naman din kailagan talaga na palaging makita sa TV, 'di ba? Basta nasa puso mo 'yung ginagawa mo." Ayon kay Jolina, "Kahit nasa bahay ka pero alam mong nakatutulong ka sa pamamagitan ng pag-text o paghingi ng tulong para doon sa mga nangangailangan, feeling ko, okay 'yung ganoon." Ika nga, every little bit of support helps regardless of how grand or how small your contribution is. At para sa mga fans ni Jolina who have been missing seeing their idol on TV, ito ang message ni Jolina: "Nami-miss ko rin silang i-entertain sa TV." Natutuwa raw siya na mas excited pa ang fans niya na magkaroon siyang muli ng project. Nakakarating daw sa kanya ang feedback ng ilan na hinahanap siya talaga sa show. "Ang sarap isipin na mas sila pa 'yung atat na talagang mabalik ako sa Unang Hirit," aniya. "Ngayon, may mga nagte-text ng 'Nice to see you again,' mga ganoon." - Jason John S. Lim, iGMA