Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana torn between two men on Rosalinda


Nalalapit na ang pagtatapos ng Rosalinda at hindi pa rin malinaw kung ano ang mangyayari sa pag-iibigan nila Fernando Jose at Rosalinda. Ngayong mas lalong napalapit si Rosalinda kay Alex Durantes, paano na nga ba ang pag-ibig ni Fernando Jose? Magulo ang mga nangyayari ngayon sa relasyon nina Rosalinda (Carla Abellana) at Fernando Jose (Geoff Eigenmann). Dahil sa laki ng utang na loob ni Rosalinda kay Alex Durantes (played by Jomari Yllana), hindi niya ito mapabayaan ngayong nalumpo na ito. Sa una, naiintindihan ni Fernando Jose ang ginagawa ni Rosalinda, pero dahil na rin sa pangungulila sa asawa at sa mga reaksiyon ng kanyang ina at kaibigan, pinapili niya si Rosalinda kung sino ang mas matimbang sa puso niya, siya ba o si Alex? Torn between her love for Fernando Jose at sa utang na loob niya kay Alex, confused si Rosalinda. Will she be able to make a choice before it is too late? Malalaman ang kasagutan sa mga nalalabing episodes ng Rosalinda. Puwede ring tanungin sila Rosalinda (Carla Abellana) at Fernando Jose (Geoff Eigenmann) in person sa pamamagitan ng iGMA Live Chat! From 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time) on Wednesday, Carla and Geoff will be back para sa kanilang second live chat together upang magpasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa Rosalinda at sagutin ang mga katanungan ng kanilang fans, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Live na live nilang sasagutin at kakausapin ang mga katanungan ng mga fans kaya ihanda na ang inyong mga tanong para alamin kung ano na nga ba ang mangyayari sa nakakakilig na tambalan ni Carla at Geoff. Ayon nga kay Carla: "I am looking forward to our live chat at don't miss 'yung explosive finale namin sa Rosalinda." Huwag palampasin ang exclusive event na ito. Join the iGMA Live Chat with Carla and Geoff by logging on sa www.igma.tv/livechat/join. - Loretta G. Ramirez, iGMA