Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Joey Marquez to run for Parañaque mayor again


Masaya si Joey Marquez nang makapanayam siya ng Startalk kahapon, at isang dahilan dito ay ang pagkaka-absuwelto sa kanya noong September 2 ng Supreme Court sa kasong katiwalian noong nanunungkulan pa siya bilang mayor ng Parañaque. "Siyempre, nagpapasalamat ako sa Korte Suprema na nakita nila yung ipinaglalaban ko na wala akong ginawang pagkakamali. That's also the reason why I have so much respect sa justice system lalung-lalo na sa Korte Suprema." Dugtong pa niya, "Sabi nga ni Dougs [ang nasirang manager niya na si Douglas Quijano], the most happy moment daw na matatanggap niya ay kapag lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema. Medyo na-delayed nga lang nang konti, but I'm sure, matutuwa yun. At saka alam ko, itutulak niya ako para bumalik at tumakbo." RETURN TO POLITICS. Kumpirmado ngang tatakbo si Joey muli sa pagka-alkalde ng Parañaque, kunsaan ay naupo na siyang mayor mula 1995 hanggang 2004, at bilang vice-mayor mula 1992 hanggang 1995. Pahayag pa ni Joey, "I remember sabi niya [Douglas], 'Huwag kang tatakbo hanggang hindi mo nalilinis ang pangalan mo. Hanggang hindi lumalabas ang katotohanan. Pero kapag 'yan ay lumabas at nakatigan ang yung pagka-innocent, then you'll go back at saka mo ipaglaban ang mga nawala sa 'yo.'" Pero hindi raw sang-ayon sa desisyon niya ang bago niyang manager na si Malou Choa-Fagar. "Actually, nakakunot ang noo niya sa akin ngayon," pag-amin ng aktor. "Pero, ini-explain ko naman sa kanya. Sabi niya nga sa akin, 'You have more opportunities in showbiz, so why join politics?' Sabi ko, 'It's [a] calling siguro.'" SIGHTING. Bukod sa kanyang political career, balitang aktibo rin daw ang lovelife ni Joey ngayon. Ipinahayag nga kailan lang dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa scoopbox nitong "PEP Alerts," na nakita sila ng former beauty queen na ni Joanne Quintas na magka-holding hands noong November 7 sa Gateway Mall. Pero itinanggi ito ni Joey sa panayam sa kanya ng Startalk. Aniya, "Nasa taping ako noon. Nabasa ko rin nga, e. Nasa Celebrity Duets ako that time. Host ako noon, e. Baka masyado lang marami akong kamukha siguro. Iba na ang pogi, e," natatawa niyang sabi. Pero, in love nga ba siya? "Palagi naman akong in love, e, lalung-lalo na sa mga anak ko." - Philippine Entertainment Portal
LOADING CONTENT