ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Bong Revilla is the heir to FPJ's Ang Panday


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa pagbabalik ng Ang Panday sa silver screen ngayong December, lalong napagtibay na si Sen. Bong Revilla na nga ang tagapagmana sa naiwang paboritong karakter ng namayapang si Fernando Poe Jr. Sa ikalawang pagkakataon, Sen Revilla reprises the legendary role of Ang Panday who was popularized by no less than Da King, Fernando Poe, Jr. The adventures of the fighting blacksmith who fights evil continues in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) with GMA Films and Imus Productions co-producing the big-budget project. Da King gave his full blessing to Sen. Bong when he first essayed the role during the ‘90s Dugo ng Panday. Ninong din niya si FPJ and he respects him the way he respects his father. "I take my hat off to Da King. I am careful about playing 'Panday' para naman he would be proud of me wherever he may be," said Sen Bong. "Bago rin namatay si Ninong Ronnie (FPJ), ito yung parang sabi niya sa akin noong huli naming pagkikita. 'That's yours—Panday, that's yours.' Kaya kahit ilang taon na siyang wala, parang there's something missing. Sabi ko, parang I need to do Panday. Parang may kulang ako na ipinangako sa kanya na dapat ko rin i-fulfill. At ito nga ay ang gawin ang pelikula. Kaya ito, parang tribute to Da King," idinagdag niya. Ang 2009 version na hango rin sa obra ni Carlo J. Caparas, idinirehe ni Mac Alejandre at isinulat ni RJ Nuevas ay tiyak na kasama na sa darating na MMFF matapos ma-resolve ang issue tungkol sa mga celebrities na tatakbo sa 2010 elections. Kasama din sa pelikula sila Iza Calzado, Rhian Ramos, Geoff Eigenmann Gladys Guevarra, Buboy Villar, George Estregan Jr., Jonee Gamboa, Paulo Avelino, Stef Prescott, Carlos Morales, Luz Valdez, Carlene Aguilar, John “Sweet" Lapus, at ang gumanap na Lizardo, si Philip Salvador. Watch Ang Panday simula sa December 25 in theaters nationwide. - Loretta G. Ramirez, iGMA