Eat Bulaga! stays with GMA Network
Mananatili sa Kapuso Network ang nangunguna at pinakamatagal na noontime show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga! Sa ulat ng GMA news Saksi nitong Biyernes ng gabi, sinabing nagpirmahan na ng kontrata ang mga pinuno ng Kapuso Network at TAPE Incorporated na namamahala sa Eat Bulaga! Pumirma para sa GMA Network sina Atty. Felipe L. Gozon, Chairman, President at CEO; G. Gilberto Duavit Jr., Executive Vice President at COO; at Felipe Yalong, Senior Vice President for Corporate Services Group.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, kumatawan naman sa TAPE Inc. sina Antonio Tuviera, presidente; at Malou Ochoa Fagar, Executive Vice President. Sumaksi sa pirmahan ng kontrata ang ilang host ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Joey De Leon, Anjo Yllana, Wally Bayola at Ruby Rodriguez. âWala naman kaming ibang gustong programa sa tanghali kundi ang pinakamalakas na Eat Bulaga!," ayon kay Atty. Gozon. âIsa lang ang masasabi namin sa GMA 7, thereâs no place like home. Maraming salamat GMA 7," sambit naman ni G. Tuviera. Ipinagdiriwang ng Eat Bulaga! ngayong 2009 ang kanilang ika-30 taon sa telebisyon na nagsimulang mapanood sa RPN 9 noong July 1979. Taong 1995 nang lumipat sa GMA 7 ang Eat Bulaga! â Fidel Jimenez, GMANews.TV