We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Fans excitedly waited para lamang maka-chat si Jolina Magdangal last April 6, when she visited iGMA.tv. Kaya naman naging candid and very open si Jolens sa pagsagot sa kanilang mga tanong. Blooming at bihis na bihis si Jolina nang dumating sa studio para sa kanyang iGMA Live Chat last April 6. Happiness ang naging theme ng mga kasagutan ni Jolina, at obvious na talaga namang masaya siya sa takbo ng kanyang buhay ngayon. Unang-una sa lahat ay happy siya sa kanyang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya, lalo naât maraming fans sa ibang bansa na nagparating ng kanilang pagmamahal sa kanilang idol. âTalagang naghihintay daw sila kanina pa, ilang oras," excited na ikinuwento ni Jolina after the two-hour live chat.
Inasahan na niyang may mga magtatanong tungkol sa kanyang new look. âWalang nagforce⦠gusto ko ito," sagot ni Jolens sa isang fan na nagtanong kung may pumilit sa kanya na baguhin ang kanyang image. âInulit ko lang din yung mga ginagawa ko dati na may touch ng kung ano âyung ngayon," dagdag pa ni Jolina sa interview after the exclusive event. Love life But Jolinaâs face lights up even more tuwing pinag-uusapan na ang kanyang boyfriend na si Mark Escueta ng band na Rivermaya. âMasayang-masaya," sagot ni Jolens sa isang fan nang kumustahin nito ang love life ng dalaga. Last Holy Week, magkasama daw sila and her family sa kanyang rest house sa Tagaytay. âIn-invite siya ng family namin, so kasama siya dun, nag-ikot-ikot kami sa Tagaytay, tapos nag-church kami," nakangiting kuwento ni Jolina sa kanyang interview. Nang maikumpara naman si Jolens kina Judy Ann Santos at Claudine Barretto, na may kanya-kanya nang pamilya ngayon, at tanungin siya kung kailan naman niya balak magpakasal, ang sagot ni Jolens, âSiguro kapag time ko na. Kasi sila time na nila. Ako siguro âpag time ko na." Pabiro pa niyang idinagdag na: âAt parang nase-sense ko na siya. Ay biglang ganun! Hindi, pero ano, dadating, dadating âyun." Panday Kids Ipinaliwanag din ni Jolina ang tungkol sa kanyang pagganap sa isang supporting role sa Panday Kids. âAlam niyo, sa pagiging artista, minsan di mo na laging iisipin kung lead ka o hindi e. Yung nangyari sa Panday Kids, tingin ko hindi ibibigay âyung role saâyo kung hindi ka nakatahi sa mga bata. Lalo na ngayon tumatagal âyung soap opera, so may mga bagong mangyayari. Yung role na pinresent sa amin, nakatahi yun," kanyang paliwanag. âPero aminado kami na itong mga batang ito ang bida dito." Kung hindi kayo nagkaroon ng chance na maka-chat ng personal si Jolina ay marami naman siyang mga projects na aabangan ng mga fans. Kasama na dito and second issue ng kanyang magazine na Jolie na lalabas this May. Patuloy din siyang mapapanood sa Panday Kids, weeknights sa GMA Telebabad, at sa Party Pilipinas every Sunday. - Karen de Castro, iGMA