ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Jay-R plays ‘Cupid’ on his first solo hosting job


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
The Philippines’ very own R&B Prince Jay-R takes on a new role bilang host ng reality dating show ng Kapuso Network na Take Me Out. Marami ang nag-abang sa pilot airing ng Take Me Out nitong Monday (April 26). Bukod sa ito ay reality dating show na naging hit sa Denmark, ito rin ang first hosting gig ni Jay-R. Ano kaya ang pakiramdam ng singer sa kaniyang latest TV project? “Definitely may pressure especially [since] first time ko mag-host, so it can either make me or break me," Jay-R shared sa press conference ng Take Me Out held last April 20. “Sa tingin ko it’s gonna be okay naman and I’ve been working very hard kasi gusto ko talaga maging successful itong show natin so there’s less pressure na. Pero yes, there is pressure," idinagdag niya. Hindi naman daw nagdalawang-isip si Jay-R na tanggapin ang project. “I’ve never hosted ever before so nag-research po ako. Nagta-Tagalog ako ngayon lagi," kuwento niya. “Siyempre I’m not gonna turn down a great opportunity like this. And maganda po yung project, so much fun po." SaTake Me Out, isang grupo ng mga ladies na magkakaiba ang personality ang maghuhusga sa isang lalake based on looks at pati na rin mga videos na naglalaman ng iba’t-ibang bagay tungkol sa kanila. After three rounds ay malilipat naman sa bachelor ang power, kung saan pipili siya ng dalawa na kanyang tatanungin ng isang question before siya pumili ng girl na gusto niyang i-date. Sa tingin ba ni Jay-R ay ready na ang mga Pinoy audience para sa ganitong show? “Sa tingin ko po medyo wholesome naman po yung guys and family-oriented pa din ‘yung show. We’ll keep it very light, pero [may] konting comedy, so I think we’re ready na po," he explained. Kung si Jay-R naman ang tatanungin, ano kaya ang mga hinahanap niyang qualities sa isang babae na gusto niyang i-take out? “Hahanapin ko po [ay] isang babae na very articulate, na marunong magsalita. Tapos gusto ko ‘yung matangkad and mestiza," sagot niya, as if describing his girlfriend na si beauty queen Krista Kleiner. “Very family-oriented kami so it means a lot to me that they get along together with my family." Paano kaya kung si Jay-R ang gustong i-take out ng mga female contestants? “Chika-chika na lang ‘yun siyempre, I’m very faithful, I’m very in love," Jay-R answered. “Ako ang nandun para ma-take out sila ng mga single guys. [I’m] very much happily taken," kanyang dagdag with a smile. Ang Take Me Out ay mapapanood daily before First Time only on GMA 7. - Karen de Castro, iGMA
Tags: jay-r, jayr