We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi nakaligtas sa intriga si Mark Herras tungkol sa kanyang bagong ka-love team na si Heart Evangelista. Kaya naman sa press launch ng Langit Sa Piling Mo, isa-isa niyang sinagot ang mga issues. Kakaiba ang role ng tinaguriang âBad Boy of the Dance Floor" na si Mark sa Langit Sa Piling Mo. Portraying the role of Rigo, ang Chief Operating Officer ng Eagle Airways, inamin ni Mark na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa bago niyang character. "Siguro ang pinakamahirap lang sa akin for this show is to dress like this [formal]. Magbihis ng ganito na halos every scene ko, naka-suit ako, naka-black shoes ako, kasi masakit sa paa kasi hindi ako sanay. Pagdating nga sa taping, hindi puwedeng naka-kuba, kailangang straight body," kuwento ni Mark sa press. Pero inamin din niya na isa sa mga challenges sa bago niyang show ay ang pagiging ka-love team ni Heart. "Honestly speaking nung pictorial pa lang kinakabahan na ako, during the pictorial sabi ng photographer, relax ka lang, kasi naninigas daw ako, ibig sabihin, nahihiya po ako," natatawa pa niyang kuwento. Pero bakit nga ba siya nahihiya at kinaabahan sa kanyang bagong ka-love team? "One thing is that maganda talaga si Heart," paliwanag niya. "Pangalawa, award-winning actress siya ng GMA. And pangatlo, first time kong naging ka-love team si Heart, e." Idinagdag naman ni Mark na hindi naman daw dapat lagyan ng malisya ang kanilang unang pagtatambalan ni Heart. He assured his fans that he is only interested in making the new team-up work. "Kami ni Heart ang gusto naming ipakita dito sa Langit sa Piling Mo, is makita ninyo âyung chemistry ng new love team," pahabol ng binata. Subaybayan ang isa na namang obra ng GMA, ang Langit Sa Piling Mo, weeknights bago mag 24 Oras. - Loretta G. Ramirez, iGMA.tv