ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Jhake Vargas's camp, Direk Andoy settle their issue


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagkaayos na ang kampo ng young actor na si Jhake Vargas at ng direktor na si Andoy Ranay. Ito ay ayon sa statement na ipinadala ng Corporate Communications department ng GMA Network Inc. sa pamamagitan ng e-mail na ipinadala gabi nitong June 4. Nakasaad sa statement na nagkausap nitong June 3, sina Jhake kasama ang ama nitong si Mr. Miguel Vargas, at ang tumatayo nitong manager na si German "Kuya Germs" Moreno, at si Direk Andoy. Nagpaliwanag na raw ang direktor sa kampo ni Jhake tungkol sa insidenteng naganap sa taping ng katatapos lang na primetime series na First Time. Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin ang direktor at maluwag naman itong tinanggap nina Jhake. Ngayong nagkaayos na sila, nagpahayag ang magkabilang kampo ng kagustuhang makatrabahong muli sa isa't isa sa mga susunod na projects ng GMA-7. Narito ang kabuuang statement ng GMA Network tungkol sa pagkakaayos ng kampo ni Jhake at ni Direk Andoy: "All's well that ends well. "Nag-usap na kahapon sina Kuya Germs, Jhake Vargas, ang ama niyang si Mr. Miguel Vargas at Direk Andoy Ranay. Maayos na ang lahat sa kanila. Nag-explain at nag-apologize ang director sa batang actor, sa ama nito at kay Kuya Germs at maluwag naman nila itong tinanggap. "Nais ng parehong panig na tapusin na ang isyung namamagitan sa kanila lalo na at iisa lamang ang kanilang tahanang pinagtatrabahuhan, kaya't agad itong pinag-usapan at naresolba naman ng matiwasay kahapon. Kung may pagkakataon, nais din daw nilang magkasamang muli at makapagtrabaho sa future projects ng Kapuso Network. "Wala ring katotohanan ang mga balita na tinanggal si Jhake sa programang Pilyang Kerubin, kung saan si Direk Andoy ang director, dahil sa nangyari. Sa simula pa lang ay talagang hindi na siya kasama dito dahil may ibang project na nakalinya ang GMA para sa batang actor." - Erwin Santiago, PEP