Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Rachelle Ann Go's acting debut on Diva


Isa si Rachelle Ann Go sa mga alas ng Party Pilipinas, when it comes to performing. Pero marami ang nagulat at natuwa ng maging bahagi din siya ng nag-iisang kantaserye ng telebisyon, ang Diva. In Diva, where she portrays an upcoming singer na napilitang talikuran ang career para harapin ang responsibilidad ng pagiging young mother. Very dramatic ang role and a number of times, napanood ng mga viewers na umiiyak ang young diva sa story. Ano naman kaya ang pakiramdam ni Rachelle sa kanyang acting debut dito sa Kapuso network? “Sa umpisa nakakapanibago dahil hindi ko naman talaga ‘to linya. Nakakapanibago, nakakakaba na makasama ko ‘yung pinapanuod ko sa TV before, ‘yung mga idolo ko," pag-amin ng singer turned actress. Pero nilinaw naman ni Rachelle sa iGMA.tv na masaya siya sa kinalabasan ng kanyang cameo role sa Diva at hindi niya makakalimutan ang experience na ito. “Mabait ako dito may ka loveteam ako (Carlo Aquino), sobrang in love kami and nabuntis ako tapos parang naisipang ipalaglag ‘yung bata. Tapos pinigilan ako ni Melody, si Ms. Reg (Regine Velasquez). Ayun hanggang sa tatanggapin ko ‘yung payo niya and titigil na ako sa showbiz," ang kuwento ni Rachelle about her role. Pero siyempre ang most unforgettable para sa kanya dito is acting alongside her idols. “Nakakatuwa dahil ngayon parang pangarap pa rin lahat, parang dream pa rin, hindi ako makapaniwala na nandito ako, nakakatuwa, at nakakasama ko sila. Actually, parang hindi nagtatrabaho, parang nagbo-bond lang kami nakakatuwa!" Does this mean she’ll be a regular sa Diva? “Naku first time ko po makasabak sa ganitong larangan and guest lang po ako for one week," ang paglilinaw niya during the interview. In fact Rachelle has left for the U.S. for a series of concert, performing alongside Journey’s main man, Arnel Pineda. But she promised to be back after a month to resume her stint sa Party Pilipinas, where she is slowly making a place for herself. And speaking of Party Pilipinas, we can’t help but ask her kung totoo ang rumors about her and Kyla. Nagpapatalbugan nga ba sila sa show? “Kami ni Kyla? Wala talagang issue, as in. Kahit siguro pilitin kong mainis, wala talaga. Hindi talaga, sobrang bait din nun ni Kyla, sobrang sweet. Sa mga nagko-compare sa amin siguro dahil sa mga ginagawa naming production numbers or sa mga songs na binibirit namin, pero wala talagang issue. Sobrang magkaibigan kami." - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV