ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: 'No regrets in joining Survivor Philippines' -- says Mico Aytona


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

One hundred percent ang ibinigay ni Mico Aytona in playing the games sa Survivor Philippines: Celebrity Edition. Kaya naman daw wala siyang regrets sa pagsali sa nabanggit na hit reality series ng GMA 7. Kilala siya bilang baby ng isla, but don’t make the mistake of thinking this baby can’t do anything. But Mico is out to prove na hindi lang siya basta-bastang castaway sa Survivor Philippines: Celebrity Edition, kundi isang palaban na survivor. Paano kaya niya ilalarawan ang kanyang naging experience sa Survivor? “Life-changing. Grabe, ngayon naba-value ko na yung mga things that surrounds me," kuwento ni Mico. “Kasi sometimes we take things for granted, pero ngayon wala na talagang arte-arte, at saka lahat gagawin mo to survive."

Nagkaroon ba siya ng kahit anong mga regrets sa mga ginawa niya sa isla during the length of his stay as a castaway? “Wala po, kasi etong Survivor talaga, season 1 pa lang, sinabi ko sa sarili ko, ‘Pagka merong celebrity edition, gusto ko talagang sumali’. So no regrets," sagot niya. “Nag-enjoy po talaga ako sa although mahirap, mahirap, pero sobrang nag-enjoy po ako." Pati naman sa mga challenges ay wala ring regrets si Mico sa kanyang mga nagawa. “Kasi po lahat naman po naipakita ko sa Survivor, so solve po ako sa mga ginawa ko dun." Kamusta naman kaya ang kanyang naging relationship with the other Survivor celebrity castaways? “Maganda po, kasi sa’kin naman po, inisip ko na dun pa lang sa, bago pa lang magstart yung game, sinabi ko, laro lang ‘to," he said. “At sinabi ko nga sa kanila na kahit ano pa yung mangyari sa’tin, backstabbing, it’s part of the game. So sabi ko, after nito, panatilihin natin yung magandang pagsasama natin at pagkakaibigan natin." Ano naman ang aabangan ng mga viewers from him sa Survivor Philippines? “Abangan ninyo kasi nakikita nila ako sa Ka-Blog! na puro pa-cute lang and feeling nila siguro wala akong maitutulong, mako-contribute, at masu-survive. Panoorn niyo kung paano ako magsu-survive sa isla," he said. Panoorin si Mico at ang iba pang mga castaways sa Survivor Philippines: Celebrity Edition weeknights after 24 Oras only on GMA. - Karen de Castro, iGMA.TV