We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Jake Vargas talks about Tween Hearts, and working again with "JoshBie" again, and his love team with Bea Binene. Patok sa mga fans ng tween royalties ang kanilang show tuwing Linggo na Reel Love presents Tween Hearts. Ngunit hindi maiiwasang maikumpara ito sa naging unang hit show for tweens na First Time. What sets Tween Hearts apart from the said show?
âKasi ito, parang ano e, may pagka-love team din," panimula ni Jake. âNandun din yung pagka-love triangle. Iba-iba ang mga character." Dito ay na-reunite si Jake sa kanyang dating ka-love triangle sa First Time na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. âOkay naman na kasama lahat sila. Ang kukulit nga e, makukulit nga," he revealed. âNandiyan yung mga kulitan namin kapag off-cam, biruan, okay katrabaho silang dalawa." Kamusta naman makatrabaho ang mga newer faces na kabilang na rin sa roster ng hot tweens ng GMA ngayon? âFirst time kong makasama dito si Kristoffer [Martin] at saka si Derek [Monasterio]. Okay naman sila," he said. At siyempre, hindi naman mawawala ang kanyang tambalan with Bea Binene, na lalong pinagtitibay ng kanilang mga projects dahil aside from Tween Hearts ay katambal din niya si Bea sa Ilumina. How does Jake feel about this? âOo nga e, kumbaga kami na talaga yung pinu-push," âOkay naman. Kasi wala na yung hiyaan sa amin ni Bea e. Matagal na kami nagkasama ni Bea sa mga taping, ayun, sa mga live chat. Ang saâmin ni Bea, okay lang. friends naman kami ni Bea e. Sana forever na kami." Dagdag pa niya, âMinsan may nagsasabi, baka daw palitan daw yung partner ko. Saâkin okay lang naman. Kung puwede si Bea, si Bea." Abangan ang tambalang Jake-Bea and the rest of the tween cast ng Tween Hearts every Sunday after Party Pilipinas on GMA. Also, kung gusto niyong maka-bonding sina Jake, Bea, Barbie at Joshua, make sure to prepare your questions and log in on Saturday, October 23, 2010, from 12 noon â 2 p.m. para sa kanilang pagbabalik sa iGMA Live Chat! Log on to www.igma.tv/livechat. - Karen de Castro, iGMA.TV