ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez talks about the return of Mars Ravelo’s Captain Barbell


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
iGMA: Richard Gutierrez shares the latest updates on the return of Mars Ravelo’s Captain Barbell on GMA 7. Anu-ano kaya ang maaasahan ng mga manonood sa pagbabalik ng paboritong superhero ng mga Pinoy?
Kahit napapanood ngayon si Richard sa Survivor Philippines Celebrity Showdown at sa Anatomy of a Disaster, hinahanap pa rin ng kanyang mga fans ang kanyang pagbabalik sa mundo ng mga teleserye. Kaya naman hindi maiwasan na marami ang nagtatanong tungkol sa kanyang upcoming project, ang pagbabalik ni Captain Barbell. Noong nakaraang live chat ni Richard with iGMA recently, nagbigay siya ng updates tungkol sa Captain Barbell. Kailan nga ba mapapanood ng mga fans ang muling paglipad ng kilalang Pinoy superhero na minsan na niyang ginanapan. “Well, Captain Barbell is going to be a big, big project next year for GMA and for me," revealed Richard. “Ngayon pa lang talagang pinaghahandaan na namin iyan. We’re doing a lot of pre-production meetings. Alam naman natin na naging successful yung unang Captain Barbell, kaya this time around, we want to outdo ourselves, gusto naming mahigitan pa." Anu-anong mga paghahanda na ba ang kanilang nagagawa so far para sa bagong Captain Barbell? “What we’re working on now is yung kuwento ng Captain Barbell, kung ano yung bagong kuwento, kung ano yung mas makaka-excite sa mga tao and of course, at the same time, ipu-push din namin yung technology dahil it was four, five years ago," kuwento niya. “Marami nang advancement sa technology now. So abangan niyo rin yung mga exciting na bagong technology na idadagdag namin sa Captain Barbell. It’s going to be a really, really good show next year," patuloy ni Richard. Ayon pa kay Richard, wala pang napipiling gaganap bilang leading lady niya because they are still in the process of developing the characters very well. Ngunit siguradong aabangan ng mga fans ang pipiliin nilang leading lady para sa Captain Barbell. Abangan ang muling paglipad ni Captain Barbell ngayong 2011 on GMA 7. In the meantime, patuloy na panoorin si Richard sa Survivor Philippines Celebrity Showdown weeknights after 24 Oras on GMA. - Karen de Castro, iGMA.TV