ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Lexi Fernandez steps out of her mom's shadow


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

When she began her showbiz career, tween star Lexi Fernandez was known as Maritoni Fernandez's daughter. Now Lexi steps out of her mom's shadow and proves that she's more than just a famous celebrity's daughter.

Masayang-masaya si Lexi to be a part of GMA's tween show Reel Love presents Tween Hearts. "Siyempre nape-pressure rin [ako]," kuwento ni Lexi. "Pero sobrang saya ko po kasi pinagkatiwalaan ako ng GMA at binigyan po ako ng bagong blessing. Kaya gagawin ko po iyong pinaka-best ko." Bukod sa Tween Hearts, mapapanood rin si Lexi sa primetime telefantasya ng GMA na Ilumina. Lexi plays the younger sister of Paulo Avelino sa show na ito. At the same time, she also completes the love triangle with Jake Vargas and Bea Binene. "Iyong role ko sa Ilumina, hindi pa masyadong nade-develop po. Love triangle ko po sina Jake at Bea," paliwanag ng dalaga. "'Pag magkakasama kami sa set palagi kaming naglolokohan, pero seryoso pa rin. May bonding, bonding." Ang isa pang nagpasaya sa kanya as of the moment ay ang pagtatrabaho with the tween stars, which includes Bea Binene na naging best friend na niya. "Isa sa mga bestfriends ko andito, si Bea," masayang sabi ni Lexi. "Bestfriend ko po iyon si Bea, at saka syempre ngayon close ko na rin po si Louise [delos Reyes], si Barbie [Forteza], si Joyce [Ching], lahat po kami. Kasi parang magkakapatid po kami, e." Before Lexi made a name for herself as one of GMA's tween stars, nakilala muna siya bilang anak ng seasoned actress na si Maritoni Fernandez. Ngunit paglilinaw ni Lexi, hindi naman daw hands on sa kanya ang kanyang mommy. Tinuturuan siya nito and at the same time ay pinapabayaan ring matuto on her own. "Sabi niya, 'Give your best. Alamin mo iyong character mo. Alamin mo iyong dapat mong gawin,'" she said. "Pagpunta mo sa set dapat alam mo na iyong role mo, iyong lines mo. Alam mo na dapat kung paano mo ide-deliver iyong sarili mo, iyong character mo." Kumusta naman kaya siya sa pagtatrabaho kasama ang cast and crew of Tween Hearts? "Masaya po. Lahat po kami nagsasama sa mga eksena," sagot niya, "Sobrang masaya po. Ang dami po naming natutunan. Marami po kaming bagong natutunan. Ang dami po naming i-apply galing kay Miss Gina [Alajar]. Nagwo-workshop po kami sa kanya para po alam namin iyong characters namin." Nagkuwento nga rin si Lexi tungkol sa kanyang character sa show na ito na si Leslie: "Sa bahay parang simple lang siya, walang makeup. Marami po siyang problems sa bahay. "Kaya dahil doon, pagdating sa school talbog iyong makeup niya, iyong buhok niya kulot. Sobrang gusto niyang itago iyong tunay niyang sarili. Ginagamit niya iyong makeup, iyong pagkamaarte, pagka-popular niya para itago iyong totoo niyang sarili. Kasi nahihiya siya, gusto niyang palaging bida siya. Kaya may twist siya." Aside from their personal issues, isa pang angle na tinututukan ng Tween Hearts dito ay ang young love between the characters. Ka-love triangle nga ni Lexi dito sina Kristoffer Martin at Joyce Ching. Nakaka-relate na kaya siya sa isyu ng young love? "Kasi wala pa akong experience sa ganyan," nakangiting sagot niya. "Pero marami naman po akong pinapanood na teleseryeng ganoon. Doon ko kinukuha iyong pwede kong i-deliver sa show na ito." Patuloy na suportahan si Lexi by watching her shows here in GMA - ang Ilumina at Reel Love presents Tween Hearts. - Ayessa De La Pena, iGMA.TV