We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ang pinakahihintay na tambalan ni Dennis Trillo at Heart Evangelista sa telebisyon ay mapapanood na sa GMA Telebabad na Dwarfina. Ang malaking tanong ng marami ay kung nagbago na ba ang pagtingin ni Dennis kay Heart?
Sinabi ni Dennis na maganda ang pasok ng 2011 para sa kanya. Marahil dahil na rin sa bago niyang project, ang pinakabagong telefantasya ng GMA, ang Dwarfina. âMalaking karangalan talaga âto dahil I feel so blessed. Kakasimula pa lang ng 2011 magandang pambungad nga sabi mo na sobrang thankful kami sa GMA at sa lahat ng mga tao behind this. Malaking project talaga ito at sinali nila kami," pahayag ng aktor. Ginagampanan ni Dennis dito ang papel ni Lyndon, ang lalaking mortal na iibigin ni Dwarfina (Heart ). Ngayong natupad na ang tambalang Dennis at Heart sa telebisyon, ang tanong ng marami ay kung crush pa rin ba ni Dennis si Heart? âCrush⦠Siyempre oo naman!," natatawang sagot ni Dennis. Pero nilinaw niya agad na hindi dapat bigyan ng kulay ito dahil pareho silang in a relationship ngayon. Si Heart ay very much in love sa Brazilian model/actor na si Daniel Matsunaga, habang in a relationship naman si Dennis sa actress/singer na si Jennylyn Mercado. In fact, kagagaling nga lang ni Dennis sa Hongkong for a vacation kasama si Jen at ang kani-kanilang mga anak noong nakaraang Christmas. Sa naturang bakasyon, lalo raw tumibay ang kanilang relasyon. Ang naturang pahayag ni Dennis ay nagbunsod sa katanungan kung papunta na ba sa next level ang kanilang relasyon ni Jennylyn⦠kasal na nga ba ang susunod? Alamin ang sagot ni Dennis when he returns to iGMA Live Chat on Thursday, January 13, 2011 (Philippine time). Huwag palampasin ang exclusive event na ito at ihanda na ang inyong mga tanong. For details on how to chat with Dennis Trillo, log on to www.igma.tv/livechat. - Loretta Ramirez, iGMA.TV