We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa mga leading men ni Louise delos Reyes sa Alakdana, bakit kaya pinaka-excited siyang makatrabaho ang baguhang si Alden Richards?
Marami na ang nag-aabang sa tween star na si Louise sa kanyang kauna-unahang lead role sa isang drama fantaserye, ang Alakdana. Dito ay mapapasabak si Louise sa drama, isang bagay na iba sa kanyang mga sweet at light roles nitong nakaraan. Paano nga kaya siyang naghahanda para dito? "Kasi yung mga show ko dati, parang pa-tweetums lang. Kagaya nung sa Tween Hearts, more on youth talaga. Dito, more on drama," Louise explained. Dagdag pa niya, âPinapanood ko yung mga acting nung mga ahead saâkin, so parang yun na rin yung pinaka-workshop ko everyday. Tapos pinag-aaralan kong mabuti yung script, yung character ko, kung ano yung magandang atake, tapos humihingi din ako ng advice sa mga senior saâkin, yung mga direktor." Dito ay tatlo ang kanyang magiging leading men â sina Paulo Avelino, Ritchie Paul Gutierrez, at ang baguhan na si Alden Richards. Excited si Louise na makasama ang kaniyang mga leading men, lalo na si Alden na minsan na rin naman niyang nakatrabaho sa commercial. âSi Richard (Alden Richards), nakasama ko na siya dati sa commercial," kuwento ni Louise. âSo nung nakita ko siya, sabi ko, âIkaw? Okay!â" Ganito rin naman ang pakiramdam ng baguhang si Alden, na ngayon lamang sasabak sa showbiz. Ano naman kaya sa tingin ng binata ang magbabago ngayong magkakasama sila ni Louise sa isang soap? âSiguro po kasi kapag commercial po, yung relationship mo with your co-actors and actresses, short span lang po e. So bale ngayon po, siguro mas magkakaroon kami ng relationship as friends," ayon kay Alden. âMagiging close kami, then siguro po mas mawawala na po yung ilangan sa isaât-isa kasi matagal din po kaming magsasama for Alakdana." Abangan ang pagsisimula ng kamandag sa afternoon soap na Alakdana ngayong Enero dito sa GMA. - Karen de Castro, iGMA.TV