ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: The Prom Night on Tween Hearts


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong Linggo ay inaabangan ng mga fans ang episode ng Reel Love presents Tween Hearts, dahil sa gaganaping prom night ng ating mga favorite tweens.

Last week ay nakita natin kung paanong pinaghihiwalay sina Bambi at Josh dahil sa nangyaring pagpapatira ni Bambi kay Josh sa kanilang bahay nang hindi nalalaman ni Irene. Nakita rin natin kung sinu-sino na ang mayroong prom dates at sino ang wala pa. Ano kaya ang mangyayari sa pinakaaabangang gabi ng mga tweens na ito? We had a chance na makausap exclusively ang tatlo sa mga stars ng Tween Hearts na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Lexi Fernandez, at tinanong namin sila kung anu-ano ang mga maaabangan ng mga manonood sa tween show. Lexi, who plays Leslie, would not reveal much about their situation, but last week ay kitang-kita ang ilangan sa kanila ni Aya (played by Joyce Ching) when Leslie declared na sila na ni Chris ang magiging magka-date. “Abangan niyo since si Chris na ang magiging date ko. Si Chris at si Leslie na ang magiging magka-date, so abangan nila kung ano’ng mangyayari sa prom!" Lexi excitedly said. Meanwhile, Joshua, who plays Josh, shared a teaser ‘di lamang tungkol sa character nila ni Barbie (na si Bambi), but a teaser which promises na magiging kakiligkilig ang prom ng mga tween sa Tween Hearts. “Hintayin natin kung ano ang magiging reaction ni Mrs. Fortez. Kasi nga di natin alam kung papayag pa siya, kung ano yung mga conditions na kailangan kong gawin kasi nakapaglinis na ako ng sasakyan, lahat na nagawa ko," says Joshua. “Hintayin nila yung last move, at kung gaano ka-special yung prom namin kasi meron kaming special prom na gagawin." But if anyone was eager to share the details, it was Barbie na naging pinaka-excited magkuwento, not only about this coming Sunday’s episode but also about future episodes na tiyak aabangan ng mga manonood. “Actually, sila, makakarating sila sa prom," Barbie said referring to Lexi. "Abangan niyo na lang! Tapos this February, may pupuntahan kami na sobrang ganda." Hindi rin naman niya natiis na hindi ibunyag ang kanilang destination. “Sige na, pupunta kami sa Bora! So abangan niyo kung anong mangyayari sa Bora, kung may mag-aaway ba, o may magbabati ba, or kung may magle-level up yung closeness nila, basta marami kayong aabangan at lalong-lalo na na-extend kami hanggang October." Abangan ang prom night sa Reel Love presents Tween Hearts ngayong linggo after Party Pilipinas only on GMA. - Karen de Castro, iGMA.TV