We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Unang nakilala si Lexi Fernandez bilang ang kikay at perky na popular girl na si Leslie sa hit weekend show na Reel Love presents Tween Hearts. Ngayon ay isang heavier character ang ginagampanan ni Lexi sa afternoon drama na Nita Negrita.
Ano nga ba ang pinagkaiba ng kanyang bagong character sa una niyang ginampanan? âSa Tween Hearts po kasi, maarte lang, yung palaging gusto siya bida. Pero yung dito naman, mas paghuhugutan po yung pagka-kontrabida ni Misty kasi parang mas seryoso, hindi na masyadong tweetums-tweetums, mas may talagang ugat kung bakit siya ganun. So talagang excited ako na gampanan si Misty," kuwento ni Lexi. Isang abused child ang ginagampanan ni Lexi sa Nita Negrita. Paano nga kaya niyang ipo-portray ang ganito kabigat na role? âSiguro nga, dahil po mabigat yung past nung character ko, kakayanin ko po na ipakita sa mga tao na ako talaga si Misty, na kaya ko siyang gampanan ng maigi. Sana po kayanin ko. Kakayanin ko!" she said. Dagdag pa ng batang aktres, dedicated siya na gawin ang lahat para mapaganda ang kanyang role. âKaming dalawa ni Barbie ang lead, so ako yung lead kontrabida, siya yung bida so sabi nga ni Direk, nasa amin yung burden, na kailangan naming galingan. So pagtutulungan namin yung mga eksena namin at gagandahan namin para di namin ma-disappoint yung mga nanood, and hindi namin ma-disappoint si direk at saka yung staff," paglalahad niya. Sa tingin ba ni Lexi ay nakatulong ang kanyang experience sa Tween Hearts upang makuha niya ang lead kontrabida role na ito? âOo naman po, sobra. Kasi Tween Hearts is my first lead role," sagot niya. âHindi naman lead role, pero parang lead role na rin kaming lahat, so nakilala talaga ako sa Tween Hearts as Leslie. So ngayon na ako naman si Misty, makikilala rin nila ako pero iba naman kasi so abangan nila." May mensahe naman siya para sa kanyang mga fans na sumusuporta sa kanya. âSa lahat po ng sumusuporta sa aming mga tweens at sa akin, maraming salamat po. Sana po ipagpatuloy lang nila ang pagsuporta, at gagalingan ko po para sa kanila," ayon kay Lexi. Abangan si Lexi sa Nita Negrita sa GMA Dramarama sa Hapon. - Karen de Castro, iGMA.TV