We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Back to work na ang pinaka-sexy at pinakasikat na young kontrabida sa telebisyon ngayon na si Katrina Halili. Kabilang siya sa bagong primetime drama na Munting Heredera. Ano nga ba ang kanyang role dito? âAng role ko po dito, ako po dito si Lynette, tapos manggugulo po ako, manggugulo na naman po ako, kay Camille Prats at saka kay Mark Anthony [Fernandez]. At saka hindi pa yun, ako yung isa sa mga magdadala ng heredera. Kasi tatlo sila," kuwento ni Katrina. Nakapagpahinga si Katrina matapos ang kanyang pagganap sa Beauty Queen, at sa kanyang pagbabalik ay hindi lamang isang bagong primetime show ang kanyang ipinagpapasalamat, but even her being a part of the top ten sexiest women sa isang poll ng isang magazine. Ano ang kanyang pakiramdam tungkol dito? âMasaya po ako na kasali pa rin ako kahit na hindi na nila ako nakikita, nasa top 10 pa din so happy na po ako dun," she said. âMasaya po ako na hanggang ngayon, hindi pa din ako nakakalimutan." Very blooming si Katrina ngayon, at kitang-kita ito sa kanyang paglabas sa Munting Heredera. May tao bang nakakapagbigay-inspirasyon ba sa kanya ngayon? âWala po," sagot niya. âAfter po dun sa nangyari saâkin, mas priority ko po ang sarili ko ngayon." Ibig sabihin ba nito ay hindi pa siya handa na ma-inspire muli ng isang lalake? âSiguro po," paglalahad ng aktres. "Hindi ko pa po alam e, basta po ngayon, priority ko po ang trabaho ko talaga. At saka family and friends." Paliwanag naman niya, âKasi po pag na-inspire ako, hindi ko na magagawa lahat ng trabaho ko. Iba saâkin e. Hindi ako marunong magtimbang. So kailangan ayusin ko muna ang sarili ko. Kapag naayos ko na ang sarili ko, tsaka na yun." Samantala, ayon kay Katrina, hindi naman kailangang maging lalaki ang source ng kanyang inspiration ngayon. âKasi parang tuwing kailangan ng inspiration, kailangan ng [lalaki] âdi ba?" she says. âPuwede naman po nating i-inspire ang sarili natin na ma-inspire tayo sa buhay natin." Paano naman niyang narating ang realization na ito? âSiguro po, kasi sa nangyari po saâkin, sinabi ko nga po, dati po, puro maghanap ng boyfriend, puro dun ako nai-inspire sa buhay ko. So ngayon, na-realize ko hindi ko naman po kailangan na hanapin ang kaligayahan sa iba, sa lalake, âdi ba? So inspired lang ako sa buhay ko, yun lang," paliwanag niya. Masasabi ba niya na nasa maayos na siyang kalagayan ngayon? âNgayon okay na po ako, physically, financially," she shares. "At saka hindi naman natin nako-control ang mga nangyayari sa buhay natin, âdi ba? Minsan maganda, minsan pangit, so kailangan lang natin ng dasal. Maganda na lahat, nasa utak lang naman natin yung pangit e, so tayo lang po yun." Mapapanood natin si Katrina sa Munting Heredera weekdays sa GMA Telebabad. â Karen de Castro, iGMA.tv