Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paris Hilton leaves Manila, proudly displays Pacquiao shirt


photo from Paris Hilton's website
Lumipad na pabalik ng Los Angeles, California nitong Huwebes ng gabi ang Hollywood actress at hotel heiress na si Paris Hilton, habang suot ang t-shirt na iniregalo ng Pinoy boxing icon na si Saranggani Rep Manny Pacquiao. Dakong 7:00 p.m. nang lumipad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan ni Paris. Dumating sa bansa ang international celebrity noong Linggo ng gabi para sa ilang negosyo. Sa kanyang tweet nitong Huwebes, sinabi ni Paris na babalik siya sa Pilipinas: “Bye Manila, I will miss you! Sad to leave, everyone was so sweet! Love the #Philippines so much! I will be back soon! Love you all! xo P:)." Nag-upload din siya ng larawan sa kanyang website habang suot ang itim na t-shirt na regalo sa kanya ni Pacquiao. “Taking off back to LA rocking the Pacquiao shirt he gave me. : ), " ayon kay Paris. Kabilang sa mga naging aktibidad ni Paris sa Manila ay ang dinner kasama ang ilang Pinoy celebrities kabilang ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquaio. - FRJimenez, GMA News
Tags: parishilton