ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Wedding na gusto ni Shalani Soledad, ibibigay ni Cong Roman Romulo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bagaman nasa planning stage pa rin ang planong kasal nina Valenzuela City councilor Shalani Soledad at Pasig congressman Roman Romulo, tiyak na raw na magaganap ito sa unang bahagi ng 2012. Sa ulat ni Demai G. Sunio-Granali na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, sinabing pinagkaguluhan ng media ang magkasintahan nang dumalo sila sa launch party ng Esquire Philippines magazine na ginanap sa The Peninsula Hotel sa Makati, nitong Miyerkules. "Actually, we're still really planning everything," ayon sa kongresista. "But as soon as everything's finalized, we'll start sending out the invitations." Nang tanungin kung may napili na ba silang motif at theme ng kanilang kasal, tugon ni Romulo: "Lahat, actually, ano talaga, e, marami pa ring options na tinitingnan just to make sure that Shalani gets the wedding that she likes." Nakatatandang kapatid ni Romulo ang editor-in-chief ng Esquire Philippines na si Erwin Romulo. Sinabi naman ni Shalani na tiyak na kukuha sila ng wedding coordinator. "But as of now, kami pa rin ang nag-aayos, like finalizing the entourage, finalizing kung saan namin gusto," sagot ng konsehala at TV host. Bukod sa hindi pa napagdedesisyunan kung anong klaseng wedding -- traditional church wedding, garden setting, o beach wedding – wala pa rin daw listahan ang magkasintahan ng mga tao na kanilang iimbitahan sa kasal. "Wala pa rin po kami do'n sa part na 'yon, e.," ayon sa kongresista. “ "Kasi, we're really fixing yung ano, yung mas kailangan talaga para maayos yung wedding." Gayunman, naka-set na sa first quarter ng 2012 ang planong kasal at pinagdedesisyunan na rin daw ng dalawa kung sinu-sino ang makakasama sa wedding entourage at ang principal sponsors. – FRJ, GMA News