Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Bubble Gang turns sweet 16


Sixteen years nang nagbibigay ng kasiyahan ang Bubble Gang sa telebisyon, making them the longest running gag show in Philippine television. Ano nga ba ang sikreto n grupo na pinangungunahan nina Ogie Alcasid and Michael V?

Sa set ng Bubble Gang nakapanayam ng iGMA.tv ang dalawang haligi ng comedy sa Philippine television -- sina Ogie at Micheal V, aka Bitoy. Masayang masaya ang dalawa dahil they are celebrating their 16th year on air. Ano nga ba ang dapat abangan sa kanilang anniversary special? “Mayroon mga special appearance yung mga na-establish naming mga characters through the years," kwento ni Bitoy. “May sorpresa yata si Angelina." Dagdag naman ni Ogie, “maraming music videos si Cheche Bureche." Ipinaliwanag ni Bitoy na ang theme ng kanilang anniversary this year is music videos. “So, majority nung mga segments na malalakas ay ginawan ng music video. Nandyan na 'yan, yung si Boy Pick-up may sarili na siyang music video, Cheche Bureche may sariling music video, ang mga commercial spoofs namin magkakaroon din, ang Wonder Boys mayroon din," ayon kay Bitoy. Tiyak na riot na naman ang magiging anniversary episode ng Bubble Gang, establishing them once again as the gag show to beat on national television. Pero ano nga ba ang sikreto nila? “Tingnan mo, coming from that word biro, hindi biro. Pero kami, 16 years na kaming nagbibiro," nakangiting sabi ni Bitoy sa amin. “Well, hardwork. I think making people laugh is hard," dagdag naman ni Ogie. “Kaya, ‘wag niyong kakalimutan itong Oktubre, isang buong episode na punong-puno ng surprises." “Baka sa sobrang puno umapaw, so abangan nyo na lang," pag-imbita ng dalawa sa lahat. Huwag palampasin ang 16th anniversary episode ng Bubble Gang, ngayong October 14, pagkatapos ng Inside Protégé. -- Loretta G. Ramirez, iGMA.tv