ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Michael V, Mind Master, nominado sa Asian TV Awards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nominado muli ang Kapuso ace comedian na si Michael V sa kategoryang Comedy Performance by an Actor sa Asian TV Awards (ATA) ngayong taon. Ang nominasyon kay Bitoy, palayaw ni Michael V ay para sa kanyang pagganap bilang karaniwang tao na tumama ng jackpot sa lotto sa programa ng GMA 7 na Pepito Manaloto.

Noong nakaraang buwan, tumanggap din ng pagkilala sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) ang Pepito Manaloto, Best Comedy Program. Pinagkalooban din ng Special Award for Insurance Educationdin through the Media ang Pepito Manaloto sa 1st PIRA Awards. Samantala, nominado naman sa Best General Entertainment category ang programang Mind Master, hosted by ng Pinoy mentalist na si Nomer Lasala. Bagamat hindi nagtagumpay ang mga pambato ng Kapuso sa ATA noong nakaraang taon, binigyan naman ng pagkilala (highly commended) para sa Best News Program category ang 24 Oras ng GMA 7 para sa Maguindanao Massacre coverage. Gaganapin ang awards night ATA sa Disyembre 8 sa Singapore. - GMA News