ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Biritera, sinusubaybayan ng mga manonood


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pawang positibo ang feedback para sa isa sa pinaka-bagong primetime offerings ng GMA-7 na Biritera. Mabilis itong naging usap-usapan ng mga manonood at consistent din sa mataas na ratings. Pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro, at ipinakikilala ang bagong Kapuso child star na si Roseanne Magan, ang Biritera ay tungkol sa isang batang nangangarap na maging sikat na singer, at ang kaniyang pagtuklas sa kaniyang pinagmulan. Simula nang umere ang Biritera noong February 6, patuloy itong namamayagpag sa ratings, ayon sa datos mula sa mas pinagkakatiwalaang ratings service provider na AGB Nielsen. Noong February 6 to 10, nakapagtala ang programa ng Kapuso Network ng 26.7 household rating points laban sa 19.5 points ng katapat nitong programa. Panalo rin ang Biritera sa Urban Luzon, na kumakatawan sa 77 percent ng urban television households sa buong bansa, matapos makakuha ng 25.0 rating points na mas mataas sa 21.2 ng kabilang programa. Sa pagpasok ng ikalawang linggo ay lalong tumaas ang agwat sa pagitan ng Biritera at ng katapat nito sa ibang network. Mula February 13 to 17 ay nakakuha ito ng average household rating na 29.0 points sa Mega Manila, higit na mas mataas sa 20.3 points ng kakompetisya. Gayundin sa Urban Luzon, nakakuha ang pambato ng mga Kapuso ng 26.6 points percent habang 22.1 points lamang ang sa katapat nitong show. Base sa huling ratings report ng AGB Nielsen (February 20 to 24 based on overnight ratings), patuloy na napag-iwanan ng Biritera ang kalaban nitong programa. Nakakuha ng 24.6 points sa Mega Manila, mas mataas ng 20.0 points sa counterpart nito sa kabilang istasyon. Nagpapasalamat ang cast, lalong lalo na ang batang si Roseanne -- na hayagang nagsabi na ang pagtulong sa pamilya ang pangunahing dahilan ng kaniyang pagsali sa showbiz -- sa mainit ng pagtangkilik ng sambayanan sa Biritera. Ang Biritera ay produksyon ng GMA Drama Group sa ilalim ng mahusay na pamamahala ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes, na siyang nagdirek ng napaka-matagumpay na Munting Heredera. Sa mga susunod na episodes, mahaharap sa iba’t ibang pagsubok si Roseanne (Roseanne Magan) ngayong bahagi na siya ng industriya ng musika. Matatanggal sa trabaho si Remy (Angelika dela Cruz) at mapapadpad ito sa isang business na pagmamayari ni Eric (Neil Ryan Sese). Samantala, panay pa rin si Iris (Gwen Zamora) sa pag-akit kay Andrei (Dennis Trillo) at hihingan pa nito ng tulong si Mikmik (Glaiza de Castro). Kasama rin sa cast sina Angelika dela Cruz, Rich Asuncion, Ryan Eigenmann, Ces Quesada, Neil Ryan Sese, Gwen Zamora, Yul Servo, Kiel Rodriguez, Ken Chan, Orlando Sol, Sweet Ramos, Nomer Latog, Jr., Jamaika Olivarez, Kim Komatsu, Hiro Magalona, Barbara Miguel, Scarlet, at Patricia Ysmael. Sundan ang mga kaganapan sa Biritera gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebebad. Maglog-on din sa Biritera official facebook page (facebook.com/Biritera) at twitter account (twitter.com/BiriteraGMA). - FRJ, GMA News