ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Carla Abellana sumabak sa kissing scene sa unang araw ng taping nila ni Richard Gutierrez
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa unang araw pa lang ng taping ni Carla Abellana sa pinagbibidahan nitong prime time series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli, sumabak na agad ang aktres sa kissing scene kasama si Richard Gutierrez.
Kasama rin sina Sarah Lahbati at Jennylyn Mercado sa primetime series na ‘Makapiling Kang Muli’.
Ayon sa ulat ni Ruben Marasigan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), natatawa raw ang aktres dahil unang beses daw nitong nakatrabaho si Richard at kissing scene agad ang eksena sa first taping nila.
Aniya, “Nakakatawa nga dahil first time ko makatrabaho si Chard, 'tapos first scene sa first taping day namin, kissing scene kaagad.”
Gayunpaman, bagamat naka-ilang take sila para sa kissing scene, hindi naman daw sila nagkailangan dalawa. Bagkus para raw mapaganda pa ang naturang eskena.
Nang tinanong naman si Carla kung nagseselos ba ang kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann sa kissing scene niya kasama si Richard, ito ang kanyang naging pahayag: “Hindi naman. Nakita naman niya ‘yon. At hindi naman siya nagselos.”
Ayon pa sa aktres, tuwing may kissing scene rin si Geoff sa kanyang mga kapareha, hindi rin naman siya nagseselos at parang wala lang raw ito.
Dagdag pa nito, na hindi naman ito kailangan pagselosan dahil ginagampanan lamang nila ang kanilang mga karakter.
Wika pa ni Carla, "Kasi hindi naman siya iyon, e, kundi ‘yong character na ginagampanan niya at pinapanood mo.”
Magsisimula na rin sa bagong drama series si Geoff, at nagsimula na ang aktres sa taping para sa Makapiling Kang Muli, at bagamat parehong busy ang dalawa sa kanilang mga indibidwal na career, naghahanap pa rin naman daw silang dalawa ng oras para sa isa’t-isa.
Sabi pa ng aktres, “Kapag ano… kasi madalas nagte-taping naman sila, [dito sa] Manila lang.
“So if he’s near the area, he comes to my house kapag may free time siya at wala siyang eksena.”
Maliban dito, nagda-diet at nagyo-yoga din ang aktres.
Aniya, “Oo, nagda-diet ako. Hangga’t kayang mag-diet, mag-diet.
“So, ano lang… in moderation lang ‘yong pagkain.
"Before kami nakapag-start mag-taping, nakapag-yoga rin ako nang konti.”
Dagdag pa nito, “Konti lang. Para lang I get back in shape.
“Getting there pa lang. Trying pa lang to lose weight." —MM/VS, GMA News
More Videos
Most Popular